^

PSN Showbiz

Tatay ng actor na nawawalan na ng career, tuloy ang pagiging epal!

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Kalat na kalat na ang kuwento tungkol sa pagiging pakialamero ng ama ng isang guwapong young male personality. Ang kuwento ay kinukumpirma ng mga impormanteng kasamahan mismo sa kumpanya ng young male personality.

Produkto ng isang talent search ang bagets personality, pinalad siya sa labanan, pero wala namang nagaganap na milagro sa kanyang career.

Kuwento ng aming source, “Hanggang sa kinuha na nga siya ng isang management agency, du’n siya nakilala nang husto, sila ng ka-loveteam niya.

“Maraming raket si bagets, malaki ang talent fee niya sa mga shows na iniaayos ng agency para sa kanya. Nagkapelikula siya, TV show, lahat ng suporta, e, ibinigay sa kanya ng mga nag-aalaga sa career niya.

“Pero nu’ng magtagal-tagal na, e, umeeksena na ang father niya, kung anu-ano na ang ginagawa, masyadong mapaghanap ang daddy niya,” simulang kuwento ng aming impormante.

Milyones ang kinikita ng young male personality nang dahil na rin sa magaling na pagbebenta sa kanya ng kumpanyang namamahala sa career niya.

Patuloy ng aming source, “Alam n’yo ba na kapag kinukuha na ng bagets ang talent fee niya sa agency, e, nagsasama ng lawyer at accountant ang daddy niya?

“Yes! May kasama silang abogado, may accountant, para bang dudang-duda sila sa mga ibinibigay na details sa kanila ng agency. Milyunan kung kumubra ng TF niya ang young male personality!

“Makukuha ba niya ang amount na ‘yun kung walang nagbebenta sa kanya? Magagaling ang humahawak sa career niya. Naibebenta nila nang maayos ang mga alaga nilang artista, kasama na ang bagets actor na ‘yun!

“Pero mareklamo ang father niya, pati nga ang kina-cut na commission ng agency, e, kinukuwestiyon niya, ibinababa niya nang husto, ten percent na lang daw sana!

“So, sa kagaganu’n ng father niya, e, nagkakaroon tuloy ng tension, masyadong nakikialam ang father niya, nakakagulo siya sa mga transaksiyon!

“Okey na sana ang usapan between the management agency and the client, pero biglang hindi papayag ang father ng bagets, nagpapadagdag pa siya ng presyo!

“Ang ending, iba na lang ang kinukuha ng client dahil sobrang towering naman kasi ang gusto ng father ni bagets! ‘Yun ang reason kung bakit pinayagan na rin siyang umalis ng agency.

“Isang malaking epal ang father ng bagets, tingnan na lang natin ngayon kung paano niya patatakbuhin ang career ng anak niya!” napapailing na pagtatapos ng aming impormante.

Ubos!

Dulce nagkaroon ng depression sa bashers

Depresyon ang kinahahantungan ng mga personalidad na hindi sanay sa bashing. Lalo na kapag sobrang personal na ang pamba-bash sa kanila ay dalawang bagay lang ang madalas na nangyayari.

Ang una ay napupuwersa ang artista na pumatol na, talagang kapag punumpuno na ang personalidad ay tinatawag na siyang patolah, hindi na kasi niya kinakaya ang mga salitang ibinabato at ipinakakain sa kanya ng mga bashers.

Ang ikalawang posibilidad ay nagde-deactivate na lang ng account ang bina-bash, damay sa kanyang desisyon pati ang kanyang mga tagasuporta, ibabalik niya na lang ang komunikasyon kapag lumipas na ang init ng pamba-bash sa kanya.

Isa ang Asia’s Diva na si Dulce sa nakaranas nang matinding panlalait mula sa mga bashers. Pinagmumumura siya, pinipintasan nang mula ulo hanggang paa, pati ang kanyang mga anak ay idinadamay pa ng mga bashers.

‘Yun ang dahilan kung bakit ilang araw siyang hindi naupo bilang hurado ng Tawag Ng Tanghalan sa It’s Showtime, nakiusap siya sa produksiyon na magpapahinga lang muna siya, dahil nagkakaroon siya ng palpitation na hindi makagaganda sa kanyang kalusugan.

Lahat ng mga hurado sa TNT ay nakakatanggap ng mga salitang nakasasakit ng damdamin, hinuhusgahan ang kanilang desisyon bilang hurado, samantalang ginagawa lang naman nila ang kanilang trabaho.

Makahulugan ang binitiwang pahayag ni Dulce bago siya pansamantalang nagpahinga sa pagiging hurado, “Hindi po ako magso-sorry sa ginawa kong paghusga sa mga naglaban, ginawa ko lang ang nararapat at karapat-dapat.”

DULCE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with