Nakatakda nang lumipad pa Iceland ang magkasintahang Daniel Padilla at Kathryn Bernardo at halos dalawang linggo raw silang mawawala.
Matagal na raw nakaplano ito, kaya excited na silang dalawa.
Ang dinig ko silang dalawa lang daw aalis dahil gusto nilang i-enjoy ang Northern Lights.
Pero hindi kinalimutan ni Kathryn ang fans niya, nag-blowout muna siya sa fans niya na ginanap sa Tivoli Royale sa Quezon City nung nakaraang Linggo.
Doon in-announe ni Kathryn na balik-tambalan na sila Daniel sa isang teleserye.
Pero may gagawin din daw si Daniel na pelikula, pero iba ang leading lady nito.
Kaya nakiusap si Kathryn sa fans na sana suportahan din daw nila ito.
“After my project, si DJ naman. Ahmm, I’m asking everyone na it’s DJ’s time,” pahayag ni Kathryn.
“Kung ano ang ibinigay ninyong suporta sa akin, iyon ang ibigay natin sa kanya.
“Sa akin din, syempre, maninibago ako pero kung sino man ang magiging leading lady niya, kung sino man iyong makaka-partner niya, isipin n’yo na lang, doon lang naman iyon.
“Alam naman natin kung ano ang totoo,” dagdag niyang pahayag.
Hindi pa alam ni Kathryn kung sino ang makaka-partner ni Daniel, kaya mas mabuti sigurong tanungin na rin ang fans kung sino ang mas gusto nila.
“Gusto ko, kung ano iyong ipinakita ninyo sa akin, sana, maramdaman din iyon ni DJ. Kasi, noong ipina-feel ninyo iyon sa akin, grabe! Ang saya ko! So, tulung-tulong din tayo for DJ’s project,” pakiusap ni Kathryn sa mga fans.
“Magkakateleserye tayo next year, so gagandahan natin ito promise.
“So, konting-konting hintay na lang. Iyong iba sa inyo, sabi, bakit ang tagal?
“Pero, wait lang. Kailangan itong time na ito para makapag-recharge, at full blast na kami pagbalik.
“Parang reding-ready tayo. So, sana makapaghintay po kayong lahat.
“Gagandahan po namin. So, next year will be a good year for KathNiel. Mag-ready po tayong lahat.”
Excited pa si Kathryn na ibinahagi sa fans na meron pa silang gagawin ni Daniel. Next year na raw nila ito i-announce.
Ang isa pang pinaghahandaan nila ngayon ay ang ipinundar nilang negosyo.
Magkasabay nilang bubuksan ang isang barber shop na tinatawag nilang Barbero Blues.
Magkasosyo silang magkasintahan at talagang personal na inaasikaso ito ni Daniel mula sa mga kailangan sa shop hanggang sa pag-hire ng mga barber.
Kaya nagsisigawan na raw ang mga fans na dapat wedding na ang kasunod.
“Hindi pa. Magpapatayo pa muna kami ng bahay,” sagot naman ni Kathryn.
Nabanggit naman ni Kathryn sa ilang interviews niya na marrying age para sa kanya ay 26 years old.
Twenty-three pa lang ngayon si Kathryn, kaya three years pa ba ang hihintayin?
Anak nina Regine at Ogie mas interesado sa spaceship kesa showbiz
Tuwang-tuwa sina Regine Velasquez at Sharon Cuneta sa kanilang Iconic concert dahil ngayon lang nangyari na parehong nag-sponsor ang McDonalds at Jollibee.
Kay Sharon ang McDo, at sa Jollibee naman si Regine na ingat na ingat na di mabanggit ang McDo.
Sa mediacon ng kanilang concert ay nakukuwento ni Regine na nai-enjoy daw ng anak niyang si Nate ang mag-shoot ng commercial gaya nitong Jollibee, pero nakikita raw niyang maiksi lang ang atensyon nito. Parang hindi raw talaga type ng anak niya ang showbiz dahil mas iba ang gusto niyang bigyan ng atensyon. (sundan sa pahina 8)
“He’s a child. Parang kailangan ko siyang sabihan na this is work, we have to be professional.
“Saka yung mga nakakatrabaho naman niya, talagang they take the consideration na he’s only 7 years old na maikli lang yung shooting time,” kuwento ni Regine.
Mas type raw talaga ni Nate ang mga eroplano kesa sa mag-showbiz. Pero ngayon daw parang umakyat na raw ang level. Mga spaceships na raw ang gusto niyang pag-aralan.
“Iba na yung passion niya eh. Iba yung gusto niya. Ngayon umakyat na kami. Nasa space na kami. Lumagpas na kami. Dun na siya sa mga rocketship, nasa ganyan na siya.
“Tapos ang niri-research niya mga planet, alam niya yung pangalan ng mga spacecraft. Nakakaloka siya!” bulalas ni Regine.
Sa October 18 at 19 na ang Iconic concert nina Regine at Sharon na gaganapin sa Araneta Coliseum.
Thankful silang dalawa, dahil hindi lang McDo at Jollibee ang sponsors nila kundi marami pang mga produkto na talagang napaka-supportive daw sa kanila.