Edward at Henerasyon sabay sa mga sinehan

SEEN: Dalawang Tagalog movies ang magkasabay na magbubukas sa mga sinehan sa October 2, 2019, ang Edward ng Viva Films at Ang Henerasyong Sumuko sa Love ng Regal Entertainment Inc. Si Jason Paul Laxamana ang direktor ng Ang Henerasyong Sumuko sa Love at mula sa direksyon ni Thop Nazareno ang Edward.

SCENE: Tungkol sa mga buhay at problema ng millennials ang kuwento ng Ang Henerasyong Sumuko sa Love. Gay ang role ni Jerome Ponce na umamin na nahirapan siya sa karakter na ginampanan niya. 

SEEN: Si Ella Cruz ang first kiss ni Louise Abuel sa tunay na buhay at sa pelikula. Kinabahan ang 15-year-old actor nang kunan ang kissing scene nila ni Ella para sa Edward.

SCENE: Nagpapasalamat si Louise Abuel kay Thop Nazareno dahil ito ang dahilan kaya napansin uli ng publiko ang acting talent niya. Ang Edward ang unang pelikula ni Louise bilang teen actor.

SEEN: Si Louise Abuel ang gumanap na sidekick ni Coco Martin sa Juan Dela Cruz, ang defunct primetime television series ng ABS-CBN. Muling nagkita ang dalawa sa ABS-CBN Ball noong September 14, 2019. 

SCENE: Nasa vicinity lamang ng shooting ng Edward ang kanyang rumored boyfriend na si Julian Trono ang fun fact na ibinahagi ni Ella Cruz nang kunan ang kissing scene nila ni Louise Abuel. Sinabi ni Ella hindi na nito ipinagpaalam kay Julian Trono na may kissing scene sila ni Louise sa Edward.

Show comments