Rafael namayagpag ang nilipatan

Rafael Rossel

Napapanood na sa ABS-CBN tuwing Linggo ng gabi ang pinakabagong teleserye ni Rafael Rossel na Parasite Island. Ang nasabing fantaserye ng ABS-CBN ay tungkol sa pamilya na makararanas ng nakagigimbal na trahedya nang dahil sa mga linta sa kanilang lugar. Masayang-masaya ang aktor dahil namamayagpag sa ratings ang kanyang bagong proyekto sa Kapamilya network.

Matatandaang kababalik pa lamang ni Rafael bilang Kapamilya star. “Worth it, it’s awesome. Ang ganda ng ratings namin, ang daming nanonood. The support and the love is definitely there. Sa set namin we always have so much fun. Kasi we’re fighting zombies but at the end of the day, ‘yung emotions and physicality na kino-contribute namin for the show, nakakapagod talaga. But seeing the ratings, it makes it all worth it,” nakangiting pahayag ni Rafael.

Samantala, isa rin ang aktor sa mga nalungkot sa pagkamatay ni Gina Lopez kamakailan. Ayon kay Rafael ay talagang hinahangaan niya ang mga ginagawa noon ni Gina para sa kalikasan at sa mga mamamayan. Kamakailan ay nakadalo ang aktor sa ABS-CBN Ball na may layuning tumulong sa Bantay Edukasyon program ng Bantay Bata 163.

Luis, ayaw gamitin ang impluwensiya ng tiyahing senador

Nagsimula bilang isang modelo si Luis Hontiveros. Halos isang dekada rin ang inabot bago pa sumabak ang binata sa pagiging isang artista. “It’s been a long journey bago ako makara­ting sa showbiz. A lot of ups and downs, challenges and struggles but it’s been worth it naman. So I’m very happy kung nasaan ako ngayon,” bungad ni Luis.

Malaki ang pasasalamat ng baguhang aktor sa Pinoy Big Brother dahil maituturing niyang dito nagsimula ang kanyang pagiging artista ngayon.

Isa si Luis sa naging housemate ng pinakasikat na bahay sa bansa. “I’ve auditioned multiple times. Actually seven times inclu­ding itong PBB Lucky 7 kung saan ako nakasali. Pagkatapos ng PBB that’s where it all started. Nabigyan ako ng chance matutong umarte. Do’n ako nabigyan ng chance na makasama sa isang soap opera and from there tuluy-tuloy na,” kwento ng aktor.

Si Luis ay pamangkin ni Risa Hontiveros at hindi raw kailan man ginamit ang impluwensya ng Senador upang mapadali ang pagpasok sa mundo ng show business.

“I wanted to stay away from that fact because I want to make my own name for myself. Ayoko makikilala ako dahil pamangkin ako ni Risa Hontiveros, Pia Hontiveros, ayoko ng gano’n. Gusto ko pong makilala from my own hard work,” paliwanag niya. (Reports from JCC)

Show comments