Pelikula ng namatay na si Kristoffer King isasalang sa Oscars
Ang pelikulang Verdict ang napisil ng Film Academy of the Philippines para mapasama sa pagpipilian sa International Feature Film (formerly Foreign Language Film) Category sa 92nd Annual Academy Awards / The Oscars.
Ang pelikulang Verdict ay dinirek ni Raymund Ribay Gutierrez na produced ng Center Stage Productions ni 2009 Cannes Best Director Brillante Mendoza.
Nauna na itong tumanggap ng positive film reviews mula sa top international press, tulad ng Screen Daily, the Hollywood Reporter, at Variety nang ipalabas ito sa 76th Venice Film Festival.
Graded A ng Cinema Evaluation Board (CEB) ang crime/drama movie na pinagbibidahan nina Max Eigenmann, ang yumaong aktor na si Kristoffer King, Jorden Suan at Rene Duria na sinusundan ang isang domestic violence case sa isang legal process.
Ordinaryong problema ng mag-asawa ang kuwento ng Verdict pero in the end mare-realize mo na hindi lang pala nakukuha ang hustisya sa loob ng korte.
Nakasama rin ang Verdict sa katatapos na Pista ng Pelikulang Pilipino 2019.
Parehong magaling sa pelikula sina Max at Kristoffer na namatay last February dahil sa diabetic hanggang nagkaroon ng heart failure.
Congratulations at sana nga ay mapansin ang pelikula ng mga juror sa International Feature Film category at makasali man lang ito sa short list na pagpipilian para sa official entries sa Oscars.
- Latest