Getting better at recovering na Bea best dressed, Julia hindi masyadong naka-awra
Hindi na nag-abalang magbihis at mag-ayos si Angel Locsin sa ABS-CBN Ball 2019 na ginanap sa Shang-rila The Fort.
Diniretso na niya sa Bantay Bata 163 ang kanyang donasyon.
Yup, ramdam ang absence ng aktres sa The General’s Daughter sa maningning na ABS-CBN Ball na dinaluhan ng mga artista ng Kapamilya Network.
Ayon sa kanyang post, “I salute my friends at the ABS-CBN Ball who are doing their share to promote awareness on children’s rights and to help the beneficiaries of Bantay Bata 163 get the education that everyone deserves.
“As for me, I decided to do my share in a way that I could probably be more of use. I think it would be better for me to donate directly to Bantay Bata the amount that I’m supposed to spend in the ball. It’s not much, but will help make a difference to someone else’s life.
“For those who would like to help a child to have a bright future, please donate to Bantay Bata 163. #abscbnball2019.”
Kaya naman all praises si Angel ng kanyang followers and fans.
Pero meron din naman nanghihinayang na hindi siya nagkaroon ng chance na maka-bonding ang bosses and other stars ng network sa isang occasion na once a year lang nangyayari.
Anyway, nag-trending naman ang napiling Best Dressed ng Metro Mag sa naganap na Ball.
Si Bea Alonzo ang winner sa kanyang black gown na gawa ng designer na si Jun Escario.
Heto ang listahan ng Top 10 Best Dressed at kanilang designer
1. Bea Alonzo
Designer: Jun Escario
2. Liza Soberano
Designer: Patricia Santos
3. Anne Curtis
Designer: Mich Dulce
4. Kathryn Bernardo
Designer: Michael Cinco
5. Nadine Lustre
Designer: Michael Leyva
6. Sarah Lahbati
Designer: Mark Bumgarner
7. Charo Santos
Designer: Francis Libiran
8. Jane De Leon
Designer: Vania Romoff
9. Ylona Garcia
Designer: Michael Leyva
10. Kira Balinger
Designer: Mark Bumgarner
Ang ganda rin ng gown ni Kim Chiu, pero bakit kaya hindi siya nakasali sa Best Dressed? Carnival Queen naman ang pinangrampa ni Vice Ganda.
Twinning naman ang outfit ni Cristine Reyes sa anak na si Amarah at sina Dra. Vicki Belo at daughter na si Scarlet Snow Belo.
Anyway, sa quick interview kay Bea ng mga reporter na nag-cover ng event, sinabi nitong after 10 years ngayon lang siya nag-solo sa ABS-CBN Ball na dating Star Magic Ball na mag-isa. “After 10 years, almost 10 years, ngayon lang ulit ako naglakad mag-isa. It’s actually empowering, it’s liberating, and I’m enjoying it,” sabi nito sa interview ng ABS-CBN.com.
“I’m recovering, I’m getting better,” pahayag naman niya kung kumusta na siya pagkatapos ng maingay nilang hiwalayan ni Gerald Anderson na sangkot si Julia Barretto.