Lorna ambisyon maging presidente, Claudine bitbit ang mga anak sa sandaan

Coco & Nora

“God listens talaga,” sabi ni Tita Ethel Ramos matapos hindi ulanin ang ginanap na Sine Sandaan na pinangunahan ng Film Development Council of  the Phillipines (FDCP) sa pakikipagtulungan ng Department of Tourism the other night sa New Frontier Theater.

Si Tita Ethel na isa ring Icon awardee ng Sine Sandaan bilang pagkilala sa kanyang pagiging mahusay na movie writer / talent manager ng kung ilang dekada, ang nanguna para mag-alay ng dalawang dosenang itlog kay Santa Clara plus P500.

Umaga pa lang kasi last Thursday habang kasagsagan ng ulan, pinalakad na niya ang assistant niya para mag-offer ng mga itlog.

Kasabihan at tradisyon na nga ‘di ba na ipagdasal mo na maging maayos ang weather sa kung anumang merong importanteng okasyon kay Sta. Clara.

Anyway, dahil maganda ang weather nagdagsaan ang maraming artista sa naganap na celebration ng 100 years of Philippine Cinema.

Starry starry night dahil sa pagdating ng super daming artista - mula sa mga veteran sa pangunguna ni Nora Aunor hanggang kay Coco Martin kasama ang grupo ng Probinsyano, Ri­chard Gutierrez,  Angel Locsin kasama ang boyfriend na si Neil Arce, Lorna Tolentino, Iza Calzado, Piolo Pascual, Bea Alonzo, Kathryn Bernardo, Anne Curtis, Ogie Alcasid, Dingdong Dantes, Alden Richards, Arci Muñoz, Vhong Navarro, Tommy Abuel, Joel Torre, at maraming-marami pang iba.

Dumating din sa nasabing event ang mga maraming direktor - mula sa beterano hanggang mga baguhang direktor, mga worker behind the camera at iba pang bahagi ng paggawa ng pelikula.

Almost 300 naman ang binigyan ng pagkilala.

Mapapanood sa ABS-CBN ang full coverage ng Sine Sandaan.

Sa sidelight, medyo na-late ng dating si Alden Richards na mag-isa lang.

Ganundin sina Kim Chiu, Anne Curtis at si Claudine Barretto na kasama ang dalawang adopted daughters na sina Sabina at Quia. Late daw kasing dumating ang gown nila.

Hoping naman si LT na hindi pa ‘papatayin’ si Ms. Lily sa Ang Probinsyano.

Gusto pa raw niyang makatrabaho ang ibang Hollywood actors na diumano’y papasok sa serye ni Coco Martin. “Hindi ko alam sa mga Lord of the Rings.

“Sana hindi pa. Ambisyon ni Lily na maging First Lady,” instant tsika niya nang makausap namin sa lobby ng New Frontier.

Anyway, kahit pa siguro anong pang-iintriga, masasabing tagumpay ang Sine Sandaan.

 

 

 

Show comments