Inigo at Singaporean artist Akasha, sanib-pwersa

Inigo, Akasha

Anak ni Piolo ‘Adios’ na sa toxic na relasyon!

MANILA, Philippines — Patuloy ang paggawa ni Inigo Pascual ng magagandang musika. Kahapon nga ay nagkaroon ng launching ang bago niyang song na Adios, ka-duet ang Singaporean hip-hop/R&B artist na si Akasha na kasalukuyang nasa bansa.

Kababalik lang ni Inigo mula sa kanyang tour noong isang buwan sa Amerika at Canada para sa kanyang international single na Catching Feelings at last July lang inilabas din niya ang kantang Options na title track ng kanyang LP.

Hindi na bago si Inigo sa pakikipag-collaborate sa mga international artist.

Nitong first quarter of the year lang, nakipagsanib-pwersa naman siya sa Chinese Australian singer na si Wengie para sa kantang Mr. Nice Guy.

Ayon kay Inigo, marami na siyang natutunan sa pakikipag-collaborate sa mga musician mula sa iba-ibang bansa. “Yung hindi mo lilimitahan ‘yung sarili mo sa iisang tunog, mag-expand saka mag-grow bilang artist saka hayaan mo ‘yung sarili mo na sumubok ng ibang bagay sa labas ng comfort zone mo.”

Ang Adios, na binuo sa ilalim ng Star Music, ay tumatalakay sa pagtatapos ng isang masamang relasyon. Ibinibida ng kanta ang pamilyar na tunog-pop ni Inigo, na mas gumanda pagra-rap ni Akasha.

“Adios is actually a single by Singaporean artist Zadon, it’s written in Mandarin tapos inisip namin kung paano mailo-localize sa Philippines so in-adapt ko yung lyrics and we added a new part then dinagdag namin si Akasha who is talent na dine-develop ng Academy of Rock Singapore at naging perfect match sila for this project,” paliwa­nag ni Star Music audio content head Jonathan Manalo.

Ang papausbong na artist mula Singapore na si Akasha ay nagsimula bilang estudyante ng Aca­demy of Rock, kung saan mas nahasa niya ang kanyang mga abilidad. Sa ngayon, isa na siya sa mga hinahangaang babaeng hip-hop/R&B artist sa Singapore na pinagsasama ang talento sa pag-awit at pagra-rap.

Sang-ayon si Akasha na panahon na para makilala ang musika mula Asya sa buong mundo. “It’s definitely a good time for us to be out there, and I feel like they are more interested in Asian music now because we’re so diverse, we bring a different flavor, it’s unique.”

Mapapakinggan na ang Adios nina Inigo at Akasha sa Spotify, Apple Music at iba pang digital stores. Panoorin din ang music video nito sa MYX sa YouTube channel ng Star Music.

Show comments