MANILA, Philippines — Uy para ka palang namasyal sa Europa sa mga bagong attraction ng Snow World sa Star City na magbubukas na uli next week. Yup, makikita ngayon doon ang napakataas na Eiffel Tower na ginawa noong 1889 para sa World Trade Fair sa Paris, pero yari sa yelo.
Naroroon din ang makasaysayang Arc de Triomphe. Ang napakalaking Colosseum ng Roma, ang leaning Tower of Pisa at iba pang mga historical landmark na makikita ninyo sa pagbubukas ng panibagong season ng Snow World sa taong ito.
Bukod pa ito sa puwede pa rin kayong magpadulas sa pinakamalaking ice slide sa buong mundo na gawa ng tao sa Snow World.
Maaari ring uminom ng mainit na kape habang ang inyong mga kasama ay naglalaro sa snow. May Snow World Café sa loob mismo ng Snow World, kagaya rin ng mga Cafe na sa Champs Elysee lang ninyo makikita kung kayo ay mamasyal sa Paris.
Well, tila nga isang paglalakbay sa buong Europa ang inyong pamamasyal sa Snow World sa Star City.
Open na everyday beginning September 14, from 4:00 p.m. weekdays at from 2:00 p.m. naman from Friday to Sunday.
At least dito wala mang winter sa bansa natin, puwede n’yo naman itong maranasan sa Snow World Manila.