MANILA, Philippines — Kakapanindig-balahibo ang isang eksena ni Manoy Eddie Garcia sa pelikulang Circa, isa sa official entries sa gaganaping Pista ng Pelikulang Pilipino 2019 beginning September 13, Friday, to Sept. 19. Parang premonition.
May eksena sila ng bida sa Circa na si Ms. Anita Linda.
Isang dating producer ang role ni Ms. Anita na dahil sa edad na 100 ay nakakaranas na ng dementia. Pero nang makita niya ang character ni Eddie, Eduardo sa pelikula, matapos silang magkumustahan at tumalikod na ito, nag-dialogue sa eksena si Ms. Anita ng “mag-ingat ka, baka madapa ka.”
Aksidenteng nadapa si Manoy Eddie sa taping bago ito binawian ng buhay.
Ang Circa ang last film ng actor ng eveteran / award-winning actor.
Ayon kay Direk Adolf Alix, ‘yun talaga ang nasabi ni Ms. Anita sa kanilang eksena. At nang tanungin daw niya ang veteran actress after the take, ‘yun daw talaga ang naramdaman ni Ms. Anita.
By the way, 95 years old na si tita Anita Linda sa November 24 sa totoong buhay kaya medyo sensitive na raw ito at madalas umiyak ayon sa anak niyang si Ms. Franceska Legaspi na nag-aalaga sa veteran actress.