Arnold, Ali at Joel, puwede nang pakawalan sa concert

Parang gusto ko na ipag-produce ng concert ang trio nina Arnold Clavio, Ali Sotto at Joel Reyes Zobel.

Gandang-ganda ako kapag kumakanta sila sa radio program nila sa DZBB, lalo na si Joel na malamig at maganda ang hagod ng singing voice.

Sa tuwing pinakikinggan ko sila sa radyo, nakakalimutan ko ang mga isyu na tinatalakay at kinakanta nila dahil concentrated ako sa boses nina Ali, Arnold at Joel.

Singer naman talaga si Ali kaya hindi kataka-taka na mahusay siya na kumanta. Aloha ang dating screen name ni Ali noong active pa ito sa pagkanta at natatandaan ko na Bakit Nga Ba? ang pamagat ng hit song niya.

Si Arnold, maganda rin ang boses kaya bongga talaga ang trio nila. Siguro kikita ako kapag nag-produce ako ng concert nila dahil tambak ang mga sponsor na makukuha ko. ‘Yung mga hindi bibili ng tickets, ipapa-okray ko sa kanta nina Arnold, Ali at Joel. Hahaha takutan portion pero walang biro, ang ganda ng mga boses nila.

Alden, special ‘gift’

So happy na nakita ko uli kahapon si Alden Richards sa presscon ng The Gift, ang primetime drama series niya sa GMA-7 na mapapanood simula sa September 16.

Happy din ako nang malaman ko na may Magpakailanman episode ang nanay-nanayan ni Alden na si Tenten. Bongga silang dalawa, parehong may career.

Naalaala ko tuloy ang mga unang araw na nakikita ko si Alden. Noon pa man, malaki na ang tiwala sa kanya ni Ma’am Annette Gozon-Valdez at Bebong Munoz.

Kapag may meeting kami ni Ma’am Annette, dumadaan sina Alden at Tenten para bumati sa amin.

Hanggang ngayon, ganoon pa rin ang ugali nina Alden at Tenten, sweet at magalang kaya hindi nakapagtataka na nabigyan sila ng gift ni God.

Sobra-sobra ang mga biyaya na natatanggap nina Alden at Tenten dahil likas sila na mababait.

Anyway, ang The Gift ang teleserye na matagal nang inaabangan ni Alden na gifted dahil mabuting tao siya. Ang pagkakaroon ng isang loyal assistant na tulad ni Tenten ang isa sa mga gift ni God kay Alden.

Champorado ng Ka Tunying’s hinahanap-hanap

Gustung-gusto ko ang napakasarap na cham­porado na available sa Ka Tunying’s Café ng mag-asawang Anthony at Rossel Taberna.

Mabuti na lang, may branch ng Ka Tunying’s Café sa NAIA 3 at may kiosk na rin sa Centennial Terminal 2 kaya may chance ang mga umaalis at dumarating na mga pasahero, domestic o international flight, para matikman ang champorado na ipinagmamalaki ng Taberna couple.

Iba pa rin kasi ang lasang Pinoy ng mga pagkain na hinahanap-hanap ng mga kababayan natin.

Saka gustong-gusto ko ang PR nina Ka Tunying at Rossel Taberna. Mabait sila sa showbiz press at palaging naka-smile, kahit saan namin sila makita.

Maganda rin ang service sa Ka Tunying’s Café dahil masisipag at magagalang ang mga food server nila.

Ka Tunying’s Cafe, isang restaurant na feeling nasa bahay ka, masarap at affordable ang mga pagkain kaya sure ako na magugustuhan ng lahat.

Show comments