The Killer Bride pasok agad sa top ten…
Ano kayang latest sa franchise renewal ng ABS-CBN?
Na-finding ang renewal ng nasabing franchise sa 17th congress kaya naman ni-refile ito sa opening ng 18th congress.
Hanggang March 30, 2020 na lang ang franchise ng higanteng network na approved sa pamamagitan ng Republic Act No. 7966 noong March 30, 1995, at mapapaso nga next year. Confident ang mga executive ng network na mari-renew ang contract nila. Pakiramdam nila “too big to fail” para isara ang Kapamilya Network.
Kung sabagay sa rami ng fans ng mga programa nila, ng Ang Probinsyano pa lang, tiyak hindi nila tatantanan si Pres. Digong para pirmahan ang nasabing franchise.
Anyway, tuloy ang paghataw ng programa nila ayon sa resulta ng survey ng Kantar Media noong Agosto.
Ayon sa survey, tinututukan pa rin ng buong sambayanan ang FPJ’s Ang Probinsyano (35.8%) na hawak pa rin ang titulo bilang pinakapinapanood na show nationwide sa apat na taon nito sa telebisyon.
Paboritong weekend show naman ng viewers ang nagbalik-telebisyon na The Voice Kids (35.5%).
Marami rin ang hindi bumibitaw sa aksyon at dramang hatid ng The Ge-neral’s Daughter (30.9%) gabi-gabi, habang pinatunayan ng weekend shows na Hiwaga ng Kambat (30.6%) at Maalaala Mo Kaya (30.2%).
Kinumpleto naman ng TV Patrol (28.1%), Home Sweetie Home: Extra Sweet (24.2%), Kadenang Ginto (22.7%), at The Killer Bride (22.5%), na pumasok agad sa top 10 ang listahan ng pinakapinapanood na TV shows nationwide.
Samantala, ABS-CBN din ang nanguna sa iba’t ibang time blocks ayon pa sa Kantar. Sa primetime (6:00 PM-12:00 MN), nagtala ang Kapamilya network ng 48% share. Sa afternoon block (3:00 PM-6:00 PM), 47% ang nasungkit ng network habang naka-46% sa noontime block (12:00 NN-3:00 PM). Wagi rin sila sa morning block (6:00 AM-12:00 NN) at sa Metro Manila, kung saan nakakuha ito ng 41% share.
Ganundin sa Total Luzon, Total Visayas, at Total Mindanao.
Kinakatawan diumano ng Kantar Media ang 100% ng mga manonood ng telebisyon sa buong bansa sa paggamit nito ng nationwide panel size na 2,610 na urban at rural homes.
- Latest