Magbibida sa pelikulang Kid Alpha One sina Sue Ramirez at ang baguhang si Javi Benitez. Ayon sa aktres ay noon pa niya pinapangarap na makapagbida sa isang action film. “Sobrang exciting, pangarap ko ‘to dati pa na mag-action. I think it’s another milestone to my career to actually do something that I’ve been wanting to do for a long time,” nakangiting pahayag ni Sue.
Isang malaking karangalan naman daw para kay Javi na makatambal ang aktres sa kanyang unang pelikula. “I have so much respect for her as an artist saka as a person. Siyempre before meeting her may mga nagsasabi na wala siyang arte, very professional. And true enough sa set ang dali niyang ka-work,” paglalahad ni Javi.
Sa ngayon ay wala pang showing date ang nasabing pelikula na kinabibilangan din nina Joross Gamboa, Jeffrey Tam at Carla Humphries.
Sam negosyo na rin ang pag-e-edit
Bukod sa isang bagong teleserye ay isang pelikula rin na pinagbibidahan ni Coco Martin ang pinaghahandaan na ngayong gawin ni Sam Milby. “Actually may naka-line-up na. We were planning on starting this month originally. But it might be pushed back ‘till November. Tapos ‘yung movie ni Coco kasama rin ako do’n. kontrabida ako doon. Role ko, I am the son of Edu Manzano, Andrew. Basta kontrabida ako, action-comedy,” pagbabahagi ni Sam.
Isang digital film din ang nagawa ng aktor at malapit nang mapanood sa iwant.ph. “Kakaiba, very, very different. It’s mystery, suspense, it’s like Eerie. Supernatural in a sense,” dagdag pa ng binata.
Sa ngayon ay wala pang kasintahan si Sam pero mayroon nang bagong nagpapatibok sa kanyang puso. “I’m interested and inspired by somebody. I’m interested. It’s too early naman basta in the future if it pushes through and something happens I’ll share with you guys, semi-showbiz. Basta if ever, I’m not giving you any clues on it anyway,” nakangi-ting pahayag ng Sam.
Samantala, bukod sa pagiging isang artista ay abala rin ang aktor sa kanyang production house. Mahilig si Sam sa video editing kaya naging negosyo na rin ito ng binata. “It was not really planned to do editing. It just kind of happened. It starts when we did the concert of Moira (dela Torre), co-prod ‘yung Tagpuan concert niya. Then we decided gawin natin ‘yung music video niya for Malaya. We did it and kami ni Pratty (John Prats) lang so I was like, I’ll try to edit. I have a nice computer sa condo ko kasi. I do recordings din naman. So I watched YouTube videos on editing. It just kind of worked out. Mga music videos na ginawa namin got great feedback. Eventually maybe to a movie, I really hope for a movie,” pagtatapos ng aktor. Reports from JCC