MANILA, Philippines — Ang lakas ng mensahe ng pelikulang Verdict ni Raymund Ribay Gutierrez na produced ng Center Stage Productions ni 2009 Cannes Best Director Brillante Mendoza. No wonder na hanggang sa ginaganap na 76th Venice Film Festival ay tumatanggap ito ng sunod-sunod na positive film reviews mula sa top international press, tulad ng Screen Daily, the Hollywood Reporter, at Variety ayon sa online reports.
Graded A din ng Cinema Evaluation Board (CEB) ang crime/drama movie na pinagbibidahan nina Max Eigenmann, ang yumaong aktor na si Kristoffer King, Jorden Suan, at Rene Duria na sinusundan ang isang domestic violence case sa isang legal process.
Ordinaryong problema ng mag-asawa pero in the end mare-realize mo na hindi pala lahat ng justice ay nakukuha inside the court room.
Kasama rin ang Verdict sa gaganaping Pista ng Pelikulang Pilipino 2019 na mag-uumpisang mapanood sa Sept. 13 to 19 in theaters nationwide.
Anyway, parehong magaling sa movie sina Max at Kristoffer na namatay last February dahil sa diabetic hanggang nagkaroon ng heart failure.
Ang husay niya palang aktor pero nang sumakabilang buhay ang sabi ay walang naiwan sa pamilya.