Young actress ayaw patulan ang mga emote ng insecure na aktres!
MANILA, Philippines — Hindi pa rin nakalimutan ng isang aktres na minsan, natalo siya sa popularidad ng young actress (YA) na nakasama niya sa isang teleserye. Mas pinag-usapan kasi si YA kesa sa kanya sa pinagsamahan nilang show. Nadagdagan pa ang isyu ng dalawa nang ma-link ang ex-BF ng aktres kay YA.
Kahit matagal ng tapos ang teleserye nilang pinagsamahan at kahit magkasama sila ngayon sa isang show at nag-uusap at nagngingitian sa harap ng camera, another story kapag wala sila sa harap ng camera at ‘pag walang fans na nakatingin dahil may isnabang nagaganap.
Hindi talaga binabati ng aktres si YA at karibal sa popularidad pa rin ang tingin niya kay YA. In fact, sa isang workshop, ginamit niyang paghuhugutan ng emosyon ang nangyari sa kanila ni YA at sa kanyang monologue, inilabas ang galit kay YA at nag-dialogue na inagaw nito ang ex-BF niya.
Hindi matanggap ng batang aktres na walang saysay ang pagseselos niya dahil walang ligawang nangyari sa ex-BF at kay YA, ayaw niyang mapahiya kaya itinuloy na lang ang galit kay YA.
Nakarating kay YA ang ginawa ng aktres sa kanya sa workshop dahil tsinika ng isa ring aktres na kasama sa workshop, pero wala siyang balak komprontahin ang aktres. Hindi naman daw siya ang mai-stress kundi ang aktres.
Mark parang baboy ang tawag sa girlfriend
“Piggy” pa lang talaga ang terms of endearment ni Mark Herras sa GF ninyang si Nicole Donesa dahil inulit-ulit niyang tawagin sa ganu’ng pangalan ang nobya. Nang una naming nabasa na tinawag ni Mark na “piggy” si Nicole, akala namin natuwa lang siyang i-type ang salitang ‘yun.
Kaya lang, inulit ni Mark at sa caption niya sa latest photo na pinost ni Mark na kumakain si Nicole at sabi nito “Piggy doing her happy dance. Sarap kain?? Hihihi love you!!!”
Tanong ng followers ni Mark, hindi raw ba nao-offend si Nicole na tinatawag siyang “piggy” ng boyfriend, eh hindi naman siya mataba?
Masaya pa naman ang dalawa at madalas magkasama lalo na ngayong tapos na ang teleserye nila at si Nicole, hindi pa nagti-taping ng Descendants of the Sun.
Natutuwa siguro si Mark dahil except for a few bashers, mas marami ang gusto sila ni Nicole at pinayuhan pa nga siyang magtino na. May nagwi-wish pang sana maging forever na sila at sa kasalan mauwi ang relasyon.
Juday pinuri ni Brillante
Ang post ni director Brillante Mendoza na “For me, Juday is a great actress because GOOD ATTITUDE MATTERS TO ME.” Sumagot naman si Judy Ann Santos ng “it was my honor working with you direk...”
Nagpasalamat ang fans ni Judy Ann sa good words ni direk Brillante sa aktres na nadirek ni Brillante sa pelikulang Mindanao starring Judy Ann and Allen Dizon.
Muslim wife ni Allen ang role ni Judy Ann sa pelikula at sundalo naman si Allen. Produced ang Mindanao ng CenterStage Productions ni direk Brillante. Hindi pa tapos ang pelikula, pero marami na ang inquiry sa mga international film festival, kaya malamang, mas mauna pang ipalabas sa ibang bansa ang pelikula na kundi kami nagkamali, sinabmit din sa 2019 MMFF.
Rita at Ken abalang-abala
Formal nang in-announce sa 24 Oras na sina Julie Anne San Jose at Rayver Cruz ang Clash Masters o main hosts ng Season 2 nang magbabalik na The Clash. Pero, hindi pa man in-announce, marami na ang nagsulat tungkol dito at pabor ang Kapuso viewers sa dalawa bilang main hosts.
Sina Ken Chan at Rita Daniela naman ang Journer Hosts at sila ang tututok sa contestants. Isa lang ang The Clash sa blessing na dumating kina Ken at Rita mula nang mag-hit ang tambalan nila sa My Special Tatay.
Sila rin ang mga bida sa bagong rom-com series ng GMA-7 na One of the Baes na sa September din ang airing.
- Latest