Mag-aaral na rin ng Korean language, Arci hiwalay na sa ex ni Erich, mas nababaliw sa BTS
Certified single na uli si Arci Muñoz.
Yup, split na nga sila ng businessman na si Anthony Ng na ex din ni Erich Gonzales.
Ayon kay Arci, na isa sa mga bida ng teleseryeng Pamilya Ko, ilang buwan na silang wala ng BF na akala ng marami ay makakatuluyan niya.
Pero walang banggit si Arci kung anong reason ng kanilang break-up kahapon sa presscon ng Pamilya Ko.
Basta wala raw kinalaman ang pagiging K pop addict niya at lalong walang third party na sangkot.
Year 2017 nang aminin ni Arci na dating sila ng ex ni Erich na ex na rin niya ngayon.
“It’s just really. . .maybe it’s not the right time,” maiksi niyang sagot.
Di pa natatagalan ay tinawag pang husband ng Kapamilya actress ang negosyanteng boyfriend na puring-puri niya nung umpisa ng relasyon niya.
“On the second thought who needs luck when ya got answered prayer?! Yikes!! #cheesy Happy new year ta ya husband!! #gongheifatchoi #happychinesenewyear,” post niya last year sa kanyang IG.
So may chance ba silang magkabalikan?
“I don’t know, eh, kasi masaya ako kay Park Ji Min (member ng phenomenal Korean boy group na BTS),” na wala sa hitsurang broken hearted.
Aminado nga ang actress kung gaano siya ka-obsessed sa BTS. “Sobrang obsessed ako sa BTS ngayon, stress-reliever ko sila ngayon, eh. Sila lang talaga,” kuwento pa ni Arci sa kanyang kinababaliwang Korean boy band na ayon sa online reports ay bumenta ng 2.55 million tickets across 112 territories para sa kanilang documentary na Bring The Soul: The Movie ang grupo.
Dahil din sa pagkabaliw niya sa BTS, mag-aaral na siya ng Korean language. Siya na raw mag-a-adjust dahil hindi marunong mag-English ang mga member na grupo na worldwide ang kasikatan.
Feeling din ni Arci, hindi sila para sa isa’t isa ng ex-dyowa. “Everything happens for a reason, ‘yun na lang po ‘yung parang what consoles me. I think na you know, God has purpose,” saad niya pa.
Kung si Arci ay open sa naging relationship sa negosyante, wala namang naging ingay noon kay Erich.
At any rate, mag-uumpisang mapanood sa September 9 ang Pamilya Ko.
Bida rin sa serye sina Joey Marquez and Sylvia Sanchez with JM de Guzman. Kid Yambap, Jairus Aquino, Maris Racal, Kira Balinger, Mutya Orquia at marami pang iba.
Tatay Digong, Sen. Bong binigyan ng never grow up ni Jackie Chan
Wow, nakipag-bonding si President Rodrigo Duterte sa Chinese superstar na si Jackie Chan sa Beijing, China base sa photos na uploaded ni Sen. Bong Go.
Meron pa silang kuha na naka-fist sign ang sikat na action / comedy actor habang hawak naman ng pangulo ang binigay na jacket at copy ng Never Grow Up book ni Jackie Chan.
“Kasama ni Tatay Digong at Kuya Bong Go si President Xi at Jacky chan,” caption ni Sen. Bong sa kanyang photos sa Facebook account.
Kasama si Sen. Bong sa 6-day official visit ng pangulo kay Chinese President Xi Jinping.
Wala sa picture ni Sen. Bong si Phillip Salvador na kilalang ‘shadow’ na diumano ng senador.
Wagas, may pa-throwback
Simula ngayong Lunes (September 2), magpapakilig, magpapangiti, at magpapaiyak na uli sa mga Kapuso ang award-winning romance anthology na Wagas na mapapanood na araw-araw sa GMA-7. Dati itong pinalalabas sa GMA News TV.
At para sa unang month-long episode ng programa, balik-tambalan sa telebisyon sina Sunshine Dizon at Mike Tan para sa kuwentong Throwback Pag-ibig.
Love at first sight ang nagbuklod kina Ryan (Mike) at July (Sunshine) noong una silang nagkakakilala. Mula sa magkaibang estado ng pamumuhay, ipinaglaban nila ang kanilang pag-ibig at bumuo ng sariling pamilya. Nagbunga ang kanilang pagmamahalan ng isang anak na nagbigay sa kanila ng lubos na kaligayahan, si Smile (Leanne Bautista).
Ngunit isang araw, isang malakas na bagyo ang wawasak sa kanilang samahan—nawala ang kanilang anak na si Smile. Dito nagsimula ang kanilang madalas na pag-aaway. Ang inaakala nilang pag-ibig na wagas ay nagkaroon ng wakas.
Subaybayan ang kanilang pagtatagpo sa Wagas sa direksyon ni Adolf Alix, Jr. Makakasama rin dito sina Lovely Abella, Mailes Kanapi, Rob Sy, at Iyah Mina simula ngayong September 2.
- Latest