Ang ganda nang ipinapatayong bahay nina Andi Eigenmann at partner niyang si Philmar Alipayo sa Siargao, pawid ang roof, pero semento ang wall at kabuuan ng bahay. Sa photo, makikitang may high ceiling ang bahay na sabi ng netizens, parang mga bahay sa Bali, Indonesia with thatched roofs, island house siya na bagay sa Siargao.
“Living my island dreams have been nothing short of amazing sharing it with you @chepox! Salamat karajaw. Our dream house slowly coming together. We are happy and looking forward to share it with all of you soon!”
Sumagot si Philmar ng, “Hinay hinay rata mahal excited ako karajaw sa ato bayay. Puhon maka toyog nata sa ato dream house.”
Sa mga nag-congratulate kay Andi na mga kaibigan sa showbis, ang sabi ni Andi, welcome ang lahat na bumisita sa kanila. Nakakatuwa rin ang messages na sinasabing masaya sila para kay Andi at nakikita nilang masaya ito sa buhay na pinili, away from showbis.
Sana lang, ‘wag tuluyang kalimutan ni Andi ang showbis kahit sa paggawa ng pelikula dahil sayang ang husay niyang aktres kung hindi mapapanood ng tao.
Lovely ‘di muna mag-aasawa
Kasama si Lovely Abella sa cast ng Throwback Pag-ibig, ang opening episode ng Wagas na simula sa Monday, September 2, sa umaga na mapapanood, bago mag-Eat Bulaga. Gagampanan ni Lovely ang role ng babaing nakahanap kay Smile (Leanne Bautista) at naging foster mom bago naibalik kay July (Sunshine Dizon).
Natutuwa si Lovely na kahit wala siyang kontrata sa GMA Network o sa GMA Artist Center, may mga show siya sa network. Kabilang dito ang Bubble Gang, Sunday Pinasaya at ito ngang Wagas.
Natutuwa rin si Lovely sa Throwback Pag-ibig dahil hindi komedyante ang role niya, naipakita niyang pwede rin siya sa serious role. Nagbiro si Lovely that she was pressured and challenged by director Adolf Alix, Jr.
Anyway, tumatak ang role ni Lovely sa Star Cinema movie na Hello, Love, Goodbye at sa tanong kung magkakaroon ba ng sequel ang movie, hoping si Lovely. Sana raw bumalik ang role ni Gina at sana, ang pagkakaroon ng sequel ng movie ang isa sa i-announce ng Star Cinema sa blowout para sa cast at buong production team sa September 3.
Sa tanong kung posible ba siyang kunin uli ng Star Cinema for another movie? Ang sagot ni Lovely, sinabihan siya ng Star Cinema na ‘wag muna mag-aasawa this year. Mabuti na lang daw at hindi pa this year ang balak nilang magpakasal ng fiance niyang si Benj Manalo na anak ni Jose Manalo.
Pelikula ni Janine susubukan kung magka-qualify sa Oscars!
Pinost ni Janine Gutierrez ang copy ng The Hollywood Reporter na kung saan, nakasulat ang “Oscars: Dagsin’ Emerges as Frontrunner for Philippines’ Pick in International Feature Film Category.”
Comment ni Janine: “Don’t really post articles but proud little moment for our @cinemalaya film to be in the running and to be featured here. I’m behind whoever gets chosen. GO PHILIPPINES!!”
Hindi pa in-announce ng FAP kung aling Philippine movie pa ang short-listed at isa-submit sa Oscars. Sana lang, this time, makapasok na ang pelikulang Pilipino sa Oscars.
Samantala, nagtataka pa rin ang fans nina Janine at Rayver Cruz kung bakit matipid silang mag-post ng pictures na magkasama. Hindi naman daw makakaapekto sa Hanggang sa Dulo ng Buhay Ko ‘pag nalamang lumalabas ang dalawa dahil hindi naman love team sina Rayver at Megan Young sa soap.
Donita at Janno nag-reconcile
Nanghihinayang ang fans nina Janno Gibbs at Donita Rose na hindi sa pelikulang Sanggano, Sanggago’t Sanggwapo ibinalik ng Viva Films ang kanilang tambalan. Mas maganda raw sana kung kasama si Donita sa movie nina Janno na showing na sa September 4.
Ibinalita kasi ni Janno na reunited sina Mokong (Janno) at Barbie Doll (Donita) sa isang show ng Viva TV na mapapanood sa Cignal TV.
Samantala, si Al Tantay ang director ng Sanggano, Sanggago’t Sanggwapo na sabi nina Janno, Dennis Padilla at Andrew E. ay magbabalik ang comedy na nauso noong 90’s.