Celebs nagbabalak ampunin ang mga nagkalat na aso at pusa

MANILA, Philippines — Pinagdiwang recently ng mga local Pinoy celeb, animal advocates at local government officials ang unang International Homeless Animals Day dito sa Pilipinas.

Pinag-isa ng celebration ang animal lovers at animal welfare advocate upang siguraduhin na ang efforts ng publiko at pribadong sektor para sa  street animals at abandoned dogs at cats ay mailigtas, ma-rehabilitate, at mahanapan ng bagong tahanan o aampon na mga mapagmahal at reponsableng mga amo.

Sama-sama naman itong sinuportahan nina Korina Sanchez-Roxas, Gretchen Fullido, Kathryn Bernardo, Coco Martin, Piolo Pascual, Janella Salvador, Elisse Joson, McCoy De Leon, Shyr Valdez, Carla Abellana, Kris Bernal, Bing Loyzaga, Pauline Mendoza among others.

Lahat ay nagkakaisa na dapat pagtuunan ng pansin ang regulasyon kung paano pinapatakbo ang animal pounds at kung paano ang tamang pag-aalaga sa mga hayop. 

“Kailangan nating haplusin ang puso ng mga tao dahil every dog is man’s best friends. May damdamin ang mga aso dahil kaya nilang magmahal at matalino sila. Bakit natin sila sasaktan? Hindi naman natin kakainin ang best friend natin ‘di ba? Nawa’y maging eye-opener ito,” sabi ni Koring. “Umaasa tayo for the best, sapagkat hindi pa ganun kalakas ang batas dito sa Pilipinas kung paano tratuthin ang mga hayop tulad ng mga aso at pusa. Marami pa rin ang nananakit sa mga hayop at mayroon pa ring kumakain ng mga aso at ito ay illegal,” dagdag ni ate Koring na kilalang mapagmahal sa mga hayop lalo na sa mga aso na nagiging kalaro ngayon ng kambal nila ni Mar Roxas na si Pepe & Pilar.

Nasa event din ang Probinsyano Party­list Congressman na si Ronnie Ong na nagpaplanong magpatawag ng isang committee hearing upang lalong mapalakas ang animal welfare law. Kasama ni Ong ang kanyang newly adopted rescued AsPin na si Coco.

Ang hero dog at international star na si Kabang ay special guest din sa event. Si Kabang ang nagbigay ng daan para sa isang fund-raiser para sa isa pang rescued AsPin na si Prince – na bikitma naman ng human cruelty at neglect.

Last June ay tinanggap ni Manila Mayor Isko Moreno ang mga AsPin na sina Kabang at Prince sa Manila City Hall at inanunsyo niya na kakaponin niya ng libre ang lahat mga street dog sa Maynila at magtatayo siya ng complex na mag-aalaga ng mga hayop na ligaw sa Maynila. 

Layunin at pangarap ng bawat animal welfare groups na maging “no-kill” zone para sa bawat hayop ang bawat lokal na pamahalaan at maturuan ang bawat Pilipino na tratuhin ang mga hayop ng may pagmamahal at maging responsableng pet owners.

“Nakakalungkot dahil kahit may mga batas na, maraming local government units na hindi nag-impose at nag-apply. Pinapatay pa rin ang mga aso at pusa sa mga pound sa di makataong paraan,” sabi ni ate Koring.  “Sana mas maging mabuti tayo sa mga hayop na walang boses. Kailangan nating sundin at ipatupad ang batas at kalabanin ang mga slaughter house. Sana rin iligtas ng mga tao, i-rehabilitate, i-adopt, at alagaan ang mga hayop. I am happy that here in the Philippines, we are slowly becoming more dog and cat friendly. There are more shelters in some cities now that are no-kill. One day, we can be like other countries such as in Holland where there are zero street animals without having to abuse, hurt or kill any of them,” dagdag pa ni ate Koring na walang kapaguran sa mga ginagawa dahil kina Pepe and Pilar na hindi rin nauubusan ng bisita everyday.

Show comments