Piolo nalasing sa birthday ni Ogie, hinalik-halikan at nag-I love you sa mga bisita

MANILA, Philippines — Bongga, mukhang nag-enjoy ng todo si Piolo Pascual sa birthday celebration ni Ogie Alcasid the other night sa Manila House.

Nalasing diumano ito at nag-i love you at hinalik-halikan ang ibang mga bisita ni Ogie na punong-abala ang kanyang misis na si Regine Velasquez.

Pati nga raw si Regine ay hindi nakaligtas sa biglang paghalik at pag-I love you ng actor.

Kasama niya sa nasabing party ang anak na si Inigo na pag nalalasing pala ay nanghahalik din. Minsan daw na nalasing ito, pati ang handler nito ay hinalikan sa lips, yup sa lips, hindi sa cheek ha.

Anyway, pati raw ang asawa ni Bayani Agbayani ay nagkaroon ng instant ‘loveteam’ kay Piolo sa nasabing party ni Ogie.

Meron pa raw part ng party na nagpakitaan ng abs ang mga bisita ni Ogie at nanguna pa dun si Piolo.

Oww, baka nga lahat talaga sila ay nag-enjoy sa nasabing party ni Ogie na nag-celebrate ng birthday the other day

Show comments