^

PSN Showbiz

Maureen hinahanapan ng partner, JK bagsak tumaba!

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Associated Press
Maureen hinahanapan ng partner, JK bagsak tumaba!

Paniwala ng mga Chinese, kahapon na natapos ang ghost month.

Kaya ngayong araw na sila nagsisimula ng kung ano mang project na gagawin nila.

Ang latest na narinig kong gusto nang simulan ng Reality Entertainment ay ang pelikulang pagbibidahan ng Asia’s Next Top Model na si Maureen Wroblewitz.

Bagong direktor ang magdidirek at maganda ang kuwento.

May napili silang bansa na pagsyutingan, kaya lang ay hindi pa nila masasabi kung saan.

Ang hinahanap nila ngayon ay ang perfect na leading man para kay Maureen.

May ilang fans na gusto nilang i-partner kay Maureen si JK Labajo pero medyo mataba pa ang batang singer, kaya nga siguro puspusan ang pagpapapayat nito.

Pero may ilang kilalang aktor na silang pinag-audition kasama si Maureen, para makita kung may chemistry. Pero so far, wala pa raw napili ang direktor kung sino talaga ang babagay kay Maureen.

Excited na ang magandang model, dahil gusto niyang pasukin na rin ang pag-aartista.

Hindi pa raw siya nagsisimulang mag-acting workshop, pero medyo natuto na raw siyang magtagalog.

Malaki rin naman ang naitulong nang pagsali niya sa Eat Bulaga, kaya nakapagtagalog siya.

Pero willing daw talaga siyang matutong umarte, kaya kakaririn niya ang acting workshop na papasukan niya.

Mona Lisa ipinamigay ang natirang milyones

Nakapaghanda ang buong pamilya ng beteranong aktres na si Mona Lisa bago ito pumanaw.

Three years palang bedridden ang veteran actress at talagang nagkaroon siya ng sapat na panahon para sa pamilya.

Kuwento ng apo niyang si Celine Fabie na miyembro ng Ryan Cayab­yab singers, masasabing siya raw talaga ang lola’s girl dahil inalagaan siya nang husto ng kanyang lolang si Mona Lisa.

 “Wala kasi ang parents ko nun, siya talaga ang nag-alaga sa akin nung bata pa ako.

“Kapag nasa shooting niya, dinadala niya ako kasi siya rin ang nag-aalaga sa akin,” dagdag na kuwento ni Celine.

Kaya nabuo pa ni Celine ang librong ginawa niya para sa kanyang lola.

Tuwang-tuwa raw ang lola Mona Lisa niya sa nagawa niyang libro na dinaluhan pa niya ang launching nito sa Cultural Center of the Philippines.

Malakas pa raw ang lola niya noon, pero nung natumba raw ito (na dalawang beses nangyari) three years ago, hindi na siya inoperahan dahil hindi na kaya ng katawan.

Hanggang sa bedridden na siya, at medyo senile na raw, bumigay na rin at pumanaw sa kanyang pagtulog.

Masaya na rin daw sila para sa kanyang lola dahil nakapagpahinga na ito. Nagawa na raw at natupad na raw ang lahat na gusto niyang mangyari.

Ang isa sa hindi makakalimutan ni Celine sa kanyang lola Mona Lisa ay pagiging generous nito.

Nitong mga huling araw daw niya na medyo senile na, gusto pa rin daw niyang magbigay ng tulong.

“Iniisip niya kasi, she has a lot of millions pa. Ang gusto niya magbibigay pa siya ng tulong,” pakli ni Celine.

Isa raw ‘yan sa mga ugali ng lola niya na gusto niyang tularan.

Nasa Loyola Memorial Park sa Sucat, Para­ñaque nakaburol si Mona Lisa at sa Huwebes ay bibigyan siya ng tribute.

Khalil gusto na ring maging direktor

Parang na-focus na ngayon sa pag-arte si Kha­lil Ramos kahit magaling naman siyang kumanta.

Gusto na nga raw niyang balikan ang pagkanta, pero sa ngayon ay abala muna siya sa acting dahil may natapos na siyang pelikulang, ang LSS kasama si Gabbi Garcia na kasali sa Pista ng Pelikulang Pilipino.

Pero meron pa siyang magsu-showing ngayong araw, ang The Ghosting kasama si Andrea Brillantes.

Dahil nga sa The Ghosting ay naengganyo siyang magsulat ng script na isang horror  na sana siya din daw ang magdirek.

 Sa ngayon ay abala muna siya sa promo  ng The Ghosting na mapapanood na sa mga sinehan simula ngayong araw.

vuukle comment

MAUREEN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with