Pre and post war actress na si Mona Lisa pumanaw habang tulog

Matapos ang magkasunod na pagpanaw ng movie icon na si Eddie Garcia at jazz icon na si Jacqui Magno nung nakaraang June 2019 and latety ng batang actress na si Sophie Corullo (6) nung nakaraang August 18, isa na namang movie icon ang sumakabilang-buhay, ang veteran actress na si Mona Lisa (Gloria Lerma Yatco sa tunay na buhay) na tuluyan nang nagpaalam sa kanyang pagtulog nung nakaraang Linggo, August 25 sa edad na 97. She was married to Abelardo Guinto.

The pre and post war actress started her career in the 1930s and 1940s na inabot hanggang 1950s at pagkatapos nito ay huminto siya sa kanyang pag-aartista sa loob ng halos dalawampung taon at saka siya bumalik nung dekada sitenta.

Muling bumango ang pangalan ni Mona Lisa nang gawin niya ang pelikulang Insiang na pinagbidahan ni Hilda Coronel at tinampukan din nina Ruel Bernal at Rez Cortez na dinirek ni Lino Brocka.  Ang nasabing pelikula ay naging kalahok sa 1976 Metro Manila Film Festival at nagbigay kay Mona Lisa ng kanyang first MMFF Best Supporting Actress award na sinundan ng 1977 FAMAS Award for the same category. Taong 1976 din nang gawin niya ang pelikulang Hindi Kami Mga Damong Ligaw na tinampukan nina Chanda Romero, Phillip Salvador and the late Charito Solis.

Tampok din si Mona Lisa sa pelikulang Itim ni Charo Santos in 1977, Atsay ni Nora Aunor nung 1978 at Risa Jones: Showgirl ni Rio Locsin in 1979.

In 1985 ay kasama rin siya sa pelikulang Bayan Ko: Kapit sa Patalim na tinampukan nina Phillip Salvador, the late Claudia Zobel and Paquito Diaz kasama sina Rez Cortez at Carmi Martin na dinirek din ni Lino Brocka.

Taong 1999 nang matanggap ni Mona Lisa ang kanyang first Lifetime Achievement Award mula sa Gawad Urian ng Manunuri ng Pelikulang Pilipino (MPP) na sinundan in 2005 sa kanyang Lino Brocka Lifetime Achievement Award.

Fleur de Lis ang unang screen name ni Mona Lisa nang siya’y magsimula sa pag-aartista in the 1930s and 1940’s. Siya’y naging contract star noon ng LVN Pictures kung saan niya ginawa ang pelikulang Giliw Ko kasama sina Ely Ramos, Mila del Sol at si Fernando Poe, Sr. Gumawa ng ingay noon si Mona Lina dahil siya bale ang kauna-unahang Filipina actress na nagsuot ng bathing suit sa naturang pelikula.

Pagkatapos ng World War II, ginawa niya ang pelikulang Kalbaryo ng Isang Ina opposite Teddy Benavidez nung 1946 na sinundan ng Siyudad sa Ilalim ng Lupa (also in 1946) kung saan niya nakatambal ni Fernando Poe, Sr. na muli niyang nakatambal sa pelikulang Intramuros sa kaparehong taon.

Ang ibang nakatambal ni Mona Lisa ay sina Leopoldo Salcedo sa Hanggang Langit nung 1947, Ricardo Brilantes sa Batang Lansangan at Pag-ibig at Patalim with Teddy Benavidez nung 1948.

Ginawa rin ni Mona Lisa ang The 13th Sultan at Sagur nung 1949.

Nung 1940, ginawa niya ang pelikulang Tinangay ng Apoy katambal si Serafin Garcia.  Naging second lead din siya sa pelikulang Paraluman na pinagtambalan naman nina Paraluman at Fernando Poe, Sr.

Taong 1952 nang gawin niya ang pelikulang Ulila ng Bataan kasama ang Sampaguita child star na si Tessie Agana. Nakatrabaho rin niya noon ang isa pang Sampaguita actor na si Fred Montilla sa pelikulang Buhay Alamang (Paglukso’y Patay)  kasama ang Premiere Production actress na si Anita Linda also in 1952.

Ang mga labi ni Mona Lisa ay kasalukuyang nakaburol sa Chapels 1 & 2 ng Loyola Memorial Chapel sa Sucat, Parañaque.  Siya’y nakatakdang ihatid sa kanyang huling hantungan sa darating na Biyernes, August 30 ng 3 p.m.

Show comments