Kiko at Joanna nagpakita ng kakaibang husay

Kiko, Kiko

Hindi ako fan ni Kiko Estrada. In fact, I found him maangas nang una ko siyang makaharap sa isang mediacon. I even told his father (Gary Estrada) about it. Hindi rin ako na-impress sa mga naunang projects na ginawa niya. Pero, last Saturday napanood ko siya sa isang episode ng Maalaala Mo Kaya at sobra akong nagulat na makita na meron pala siyang ibubuga kung gugustuhin niya, at kung makakapili lamang siya ng roles na gagampanan niya. I’m sure nabigyan niya ng pag-asa ang lahi niya na makapag-prodyus ng isa pang artista na makapagdadala ng maganda ng lahing Ejercito/Estrada.

Magaling talaga ang naging performance ni Kiko sa nasabing episode tungkol sa isang anak na mag-isang itinaguyod ang kanyang ina na may karamdaman sa utak, ganundin ni Joanna Ampil na lumabas ang natatanging talino sa pag-arte na sinisimulan  niya sa teatro at umabot na sa pelikula at ngayon ay sa telebisyon na.

Nangangamoy award ang kanilang ginawang pagganap na hindi na bago sa pangunahing drama anthology ng bansa na MMK na hanggang ngayon ay wala pang ibang may katulad na palabas sa TV ang maaring pumantay. HIndi mo talaga aakalain na may ganung pangyayari sa totoong buhay until, makita mo sa ending ng episode ang interview sa mga totoong tao na nagbida sa kuwento nila.

Nanay ni Gerald dapat tularan ng tatay ni Morissette

Ang nanay naman ni Gerald Anderson ang nagpupuyos sa galit at pumagitna na sa eksena sa halos ay magtatapos nang isyu tungkol sa lovelife ng kanyang anak na sangkot ang ex niyang si Bea Alonzo at sa sinasabing girlfriend ngayon ng aktor na si Julia Barretto.

Kapuri-puri ang ina ng aktor sa pagsuporta nito sa kanyang anak, taliwas naman ito sa ama ni Morissette Amon na diumano ay sinisira ang magandang karera ng anak, anuman kadahilanang meron siya. Tsk. Tsk. Tsk.

Sue nakakahiya kapag ‘di tinanggap ni Joao

May pahayag naman si Sue Ramirez na handa siyang makipagbalikan sa nakahiwalayan niyang myembro ng BoybandPh na si Joao Constancia. Nakakahiya lamang kapag di pinatos ng kanyang ex ang kanyang hamon na sa social media lamang idinaan at hindi pinag-usapan ng personal.

Star Magic All Star iningatang mabahiran ng kontrobersiya

Wala namang gaanong kaganapan na hindi maganda sa Star Magic All Star games, Nagpakadisente ang mga nanood na iwasan malagyan ng personal na flavor ang basketball game na pinanalunan ng team ni Gerald Anderson laban sa koponan ng It’s Showtime ni Vice Ganda. Tinalo din sa volleyball ng team Kim Chiu ang team Julia Barretto at namayani naman, sa basketball din, ang team Jerome Ponce laban sa team Elmo Magalona.

Sa gitna ng gulo at kontrobersya na namamagitan among some Kapamilya artists, naging matagumpay ang taunang sportsfest na layu­ning mapalalim ang camaraderie ng mga Star Magic talents. Wala namang naramdamang tensyon sa event.

Show comments