^

PSN Showbiz

Kumpisal ni Julia sa pagiging ahas, late na?!

SHOW-MY - Salve Asis - Pilipino Star Ngayon
Kumpisal ni Julia sa pagiging ahas, late na?!

Subsided na nga ang intriga kina Bea Alonzo, Gerald Anderson and Julia Barretto.

In fact, ang huling pahayag ni Julia ay hindi na masyadong ‘big deal.’

Obvious na raw kasi na damage control ang nagaganap. Sinabi kasi ni Julia sa interview ng ABS-CBN.com na “Hindi ko siya naging boyfriend and hindi ko siya boyfriend ngayon. Therefore, wala akong inagawan ng boyfriend, wala akong inahas at wala rin akong nilandi.

“Hindi ako nililigawan. Naniniwala ako na may tamang panahon at oras para sa mga bagay na ganyan,” sabi niya tungkol kay Gerald Anderson na naging leading man niya sa pelikulang  Between Maybes na diumano’y inagaw niya kay Bea Alonzo.

Given na raw ang nasabing denial ni Julia na medyo late na nga.

Alangan naman daw aminin ng actress na nang-ahas siya ng boyfriend nang may may boyfriend.

Maging ang paliwanag niya tungkol sa nangyari sa kanila ni Joshua Garcia ay hindi na rin masyadong pinag-interesan. “I think the decision that we made was a mutual decision because we knew ‘yon ‘yong makakabuti sa isa’t isa. At the end of the day, pinili namin ‘yong makakabuti sa isa’t isa,” sabi niya pa sa interview.

Sa kasalukuyan daw ay nasa healing process siya. “I’m really in so much pain right now but kailangan magpakatatag eh,” sabi niya pa kay MJ Felipe ng ABS-CBN.

Actually mas interesado ang tao ngayon sa kapalaran ng convicted rapist / murderer na si Antonio Sanchez.

Nagngangawngaw na talent supplier, hindi pala accredited ng ABS-CBN

Kulang naman pala ang mga mga dokumento ng isang talent supplier na nagpa-interview sa programang Bitag ni Sir Ben Tulfo kaya hindi diumano makasingil.

Mismong ang isa na raw sa mga nag-reklamo sa talent supplier ang nagsabi na hindi nga inaayos ng nasabing talent supplier ang mga supporting documents na kailangan sa paniningil. Nauna na rin umamin ang nasabing talent supplier na piggyback lang siya ng isang accredited talent agency na siyang supplier ng mga programa ng Kapamilya Network tulad ng Ang Probinsyano.

Naku dapat mag-ingat ang mga talent ngayon sa pakikipagkasundo sa mga talent supplier. Importante siyempreng accredited ang kanilang kausap para hindi mabulilyaso ang pagbayad sa kanila.

Sana’y magsilbi ring leksyon ito sa ibang talent supplier na mag-ingat sa pakikipagtrabaho sa mga indibidwal na obvious na lumulusot sa mga patakaran.

Samantala, narito ang inilabas na pahayag ng ABS-CBN tungkol sa nasabing kontrobersiya na ikina-react ng fans ng Ang Probinsyano na hindi makapaniwala na hindi nagbabayad ang programang pinagbibidahan ni Coco Martin ng mga talent.

“Nakikipagtrabaho lamang ang ABS-CBN sa mga accredited talent supplier para sa mga pangangailangan ng kanilang mga programa. Si Irene Minor ay hindi kabilang sa mga nasabing talent supplier at wala siyang kontrata sa ABS-CBN.

“Napag-alaman ng ABS-CBN na kinuha ng isa sa aming mga akreditadong talent supplier, ang M.I.C. Media Entertainment Agency, ang serbisyo ni Bb. Minor nang hindi pinaalam sa amin, bagay na labag sa kasunduan nila ng ABS-CBN.

“Marapat na ilapit ni Bb. Minor ang kanyang isyu mismo sa M.I.C. Media Entertainment Agency.

“Pinaglilinaw din ng ABS-CBN na responsibilidad ng mga supplier na magbigay ng kumpleto, eksakto, at wastong billing documents para maproseso ang bayad sa kanila.

“Iniimbestigahan na ng ABS-CBN ang pangyayari at kung mapapatunayang may nalabag sa kontrata, agad ding gagawa ng karampatang aksyon ang kumpanya,” kabuuan ng kanilang sagot.

Mga kuwento ng may HIV / AIDS tutukan sa CineSpectra film fest 

Para ibida ang mga pelikulang naglalayong alisin ang stigma sa HIV at AIDS sa bansa at i-empower ang filmmakers na isapelikula ang mga kuwentong may mga makapangyarihang adbokasiya, nagsanib-puwersa ang Film Development Council of the Philippines (FDCP), EON Foundation, at LoveYourself Inc. para sa CineSpectra 2019 Short Film Festival na gaganapin mula Agosto 26 hanggang 27, 2019 sa Trinoma Mall sa Quezon City, at mula Agosto 28 hanggang 30, 2019 sa Cinematheque Manila, Iloilo, at Davao.

Ang CineSpectra ngayong taon na may temang Your Judgment, Their Life ay magpi-premiere ng 10 Filipino short films na naglalayong hamunin ang pang-unawa at tumulong sa mga Pilipinong maliwanagan tungkol sa HIV at AIDS at ang epekto nito sa lipunan at sa bansa ngayon.

Inihayag ni FDCP Chairperson and CEO Mary Liza Diño sa isang interview : “The advocacy of Film Development Council of the Philippines right now—which is very much aligned with EON Foundation’s goal is to make sure that the messages and the films that are coming out from CineSpectra is not just to finish the film. There was a film lab and film education component.”

Sa 97 entry submissions, sampung film projects mula sa buong Pilipinas ang napili para i-develop ang kanilang ideas.

Bawat finalist ay makakatanggap ng grant na 70,000.00 para i-develop at i-produce ang kanilang 5-minute short films na tampok sa Festival.

 Isang  CineSpectra winner ang magiging kabilang sa Sine Kabataan 3 ngayong taon at ipapalabas sa lahat ng sinehan sa bansa sa Setyembre. Ipapares ito sa Pista ng Pelikulang Pilipino (PPP) 2019 full-length counterpart nito.

Para raw ‘di bangawin sa takilya pelikulang hinahabol sa 2019 MMFF, kailangan ng script doctor

Panget na panget ang mga nakabasa ng script ng isang pelikulang hinahabol na makasali sa Metro Manila Film Festival 2019.

Ayon sa ilang nakabasa, kailangan ng script doctor ng pelikula na sinisimulan nang gawin, pronto, para maisalba.

Nang mabasa nga raw ito ng isang aktor, hindi na raw agad ito nagka-interes na gawin dahil sa butas-butas na kuwento.

Hindi uso sa bansa ang script doctor, pero baka naman daw gusto nilang kumunsulta for a change para naman hindi ito bangawin sa takilya oras na mapili sa Magic 8 ng MMFF 2019.

 

JULIA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with