Social media nakatulong para mapigilan ang paglaya ni Sanchez!

May good thing talaga ang social media sa kaso ng pagpapalaya sa dating Calauan, Laguna mayor na si Antonio Sanchez.

Dahil sa mabilis na reaction ng mga tao sa social media, nag-imbestiga uli para malaman kung dapat nga bang palayain uli ang rapist/killer na mayor na nahatulan ng lifetime imprisonment na pagkakakulong.

Naging katulong din ng mga magulang nina Eileen Sarmenta at Allan Gomez ang netizens na nagkaroon ng uproar sa balita tungkol sa plano na pagpapalaya kay Sanchez.

Ang panic mode ng mga gumamit ng social media ang nagbukas sa mga mata ng justice system na magiging violent ang reaction ng lahat kapag nagkaroon ng katuparan ang balak na palayain ang convicted mayor.

Kung minsan, unfair din ang reaction ng iba sa social media, nagiging biased sila at one track mind pero this time, nagamit sa mabuting paraan ang social media para sa justice.

For Eileen and Allan, rest in peace, dahil palaging may mga nagbabantay para mabigyan ng hustisya ang malungkot na  kapalaran n’yo.

Sen. Bato hindi dapat maging emosyonal sa mga naririnig

Totoo ang point ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa about giving a person a second chance. Totoo na hindi dapat isara nang tuluyan ang pinto sa isang tao na nagbago.

Pero dapat na magpakita ng remorse ang tao na bibigyan ng pangalawang pagkakataon.

All these years, hindi pala nagbayad si Sanchez ng damages na itinakda ng hukuman para sa mga naulila ng kanyang ginahasa at ipinapatay?

Hindi ang danyos ang habol ng pamilya pero ang hindi pagbabayad ni Sanchez ang pagpapakita na talagang matigas ang puso niya.

Ang korte ang nagdesisyon pero hindi pa rin niya sinunod at habang nakakulong, maraming kasalanan pa ang kanyang ginawa, nahulihan ng drugs, may aircon at TV sa loob ng selda na pagpapatunay ng walang respeto si Sanchez sa batas kaya marami nag-react sa sinabi ni Senator Bato na bigyan siya ng second chance.

Sana, ipakita rin ni Senator Bato na mahaba ang kanyang pasensya. Hindi siya dapat masyadong emotional sa mga naririnig niya.

Isa si Senator Bato sa mga ibinoto ko dahil nakita ko ang lawak ng kanyang pananaw tungkol sa mga isyu. Ipakita niya ngayon na hindi kami nagkamali sa pagpili sa kanya. Kalma ka lang Senator Bato, remember, senate ‘yan, hindi kampo ng PNP. Dapat cool ka lang.

Mga gustong magnegosyo, imbitado sa Ultra Mega Expo!

  Sa October 4, 5 & 6 na magaganap na ang napakalaking taunang handog ng Ultra Mega… ang Ultra Mega Expo 2019 na gaganapin sa PICC.

Strictly invitational ang October 4 & 5 para sa Ultra Mega Wholesale Customers na kung saan sangkatutak na raffle prizes ang ipamimigay! At ‘di lang yan, meron ding pa-dinner concert ng mga artista!

Pero may good news pa!!! Sa October 6, from 9am to 6pm, open to the public na ang Ultra Mega Expo, para ito sa mga Ultra Mega suki at bagong customers na gustong makapamili ng mura at makakuha ng big savings!

Sure na sasaya ang mga sari-sari store, canteen owner, mga may-ari ng tindahan at yung mga gustong mag-open ng business o mga bargain shopper na naghahanap ng malakihang savings.

Umaapaw na promo deals, bonggang pa-raffle oras-oras and meet & greet with your favorite celebrities ang siguradong maghihintay sa inyo!

‘Wag pahuhuli mga Suki, kita-kits sa October 4, 5 & 6 at the PICC, Pasay City!

For more details on Ultra Mega Expo this October 6, please visit any Ultra Mega Supermarket and Grocery, FB Page: Ultra Mega Retail, Instagram: Ultamegaph, and Website: www.ultramega.com.

Show comments