MANILA, Philippines — Ilang beses nang nadapa, pero walang makakapigil sa pagbangon niya. Yan ang role ng foreign actor na si Gerard Butler bilang Secret Service Agent na si Mike Banning sa global box-office hits na Olympus Has Fallen na ipinalabas noong 2013 at London Has Fallen noong 2016.
Ngayong taon, magpapasiklab na naman siyang muli bilang ‘top guardian angel’ ng isang presidente sa pelikulang Angel Has Fallen, ito ang third entry to the “Fallen” franchise.
Sa nasabing pelikula, siya ang naatasan ng U.S. President na ginagampanan ni Morgan Freeman na maging leader ng Secret Service. Pero nang magkaroon ng pambobomba mula sa kalaban na kung saan siya lang ang natira sa mga hawak niyang tauhan, pinaghinalaan siya na balak niyang patayin ang presidente. Nagising na lamang siyang nakaposas sa isang ospital.
Makakasama ni Butler sa pelikula sina Jada Pinkett-Smith at Nick Nolte.
Directed by Ric Roman Waugh na mula sa pelikulang Snitch, Shot Caller, inihahandog ng Angel Has Fallen ang non-stop na aksyon.
Ayon kay Butler sa naging interview niya noong 2017: “I couldn’t even see a way to make a third (Fallen film), you know we’d joke about it ‘What, Tokyo? Hong Kong? What is it going to be!?’ …Until this idea came along and until Ric came along – now I’ve gone from not knowing what to do with it, to thinking this is going to be the best one.”
Sa nasabing interview din mismo inamin ni Butler na gusto ni Direk Waugh na gusto nitong makagawa ng pelikula na hindi makakalimutan ng tatlong henerasyon, doon na nag-suggest si Butler ng pangatlong Has Fallen film.
“For years @GerardButler and I have been wanting to collaborate. Damn glad it was this one. It was definitely worth the wait!,” post ni Direk Waugh sa kanyang Twitter account noong May 2019.
Napapanood na in cinemas nationwide simula noon August 21, 2019 ang Angel Has Fallen mula sa Viva International Pictures at MVP Entertainment.