Boluntaryo ang pagsabak sa tatlong araw na training na sumubok hindi lang sa kanilang pisikal na lakas pati na rin ang mental at emosyonal na kakayanan nina Gerald Anderson, Nash Aguas, Jerome Ponce, Yves Flores at Elmo Magalona nang sumailalim sila sa Soldier Skills Orientation Training in Camp Tecson, Bulacan noong nakaraang linggo.
Ibinahagi ni Gerald, Team’s Company Commander, “We knew if we graduated, we would have the privilege of being in the Philippine Army reservist. Alam namin na after nito this would also help us portray Philippine Scout Ranger in our tv series - A Soldiers Heart.”
Isang video naman mula sa Marawi siege ang nagtulak kay Nash upang subukan ang training kahit siya ang pinakabata sa grupo nila.
Sabi pa ni Nash “Parang World War II sa Marawi habang nandito kami sa Manila clueless of what was really happening in our country. Isa ‘yun sa mga naging motivation. Sa maliit na paraan maipakita ko yung suporta at pagmamahal sa bansa natin.”
Ang pagiging bahagi ng ganitong klaseng training ay nagbigay sa kanila ng maraming realisasyon sa totoong buhay. At para kay Yves isa itong karangalan. “The ranger training segregates boys from men. Natutunan ko ang value ng discipline, camaraderie and the love for our country,” sabi ni Yves.
Kinilala naman ni Jerome ang mga hirap na dinaranas ng mga sundalo sa araw-araw. “Ang mga army, soldiers, rangers ang real heroes kasi wala tayong alam how they live everyday mula sa training hanggang sa battlefield.. all they want is to make our country free and safe,” pagmamalaki niya.
Sumailalim sila sa iba’t ibang lectures, drills at simulations para maranasan ang buhay ng isang sundalo. “They showed us na kailangan mong mapagdaanan ito bago mo mapatunayan na gagawin mo ang lahat, mapagtanggol lang ang iyong bansa.
“Ang pinakamahirap at pinakamemorable sa training para sa akin, ay yung pangatlong araw namin sa camp. Yung pag-akyat namin ng bundok dala-dala ang bandolier, rucksack at mga baril namin,” pagbabahagi ni Elmo.
Dagdag pa niya, “We performed a simulation at doon ko naramdaman yung totality ng training namin, lahat ng tinuro, you have to make sure to apply all of them because you and your squad will go down if you don’t.”
Naging matapang man sa mga pinagdaanan, nagkaroon din sila ng pagdadalawang isip habang sumasailalim sa matitinding training.
“Ilang beses ko na gusto mag-quit to the point na tumakas ako nung first night para lang makatulog at makatawag na gusto ko na umuwi kasi feeling ko hindi ko kaya dahil unang una di naman ako physically active na mahilig mag gym or tumakbo,” kwento ni Nash.
Ngunit na-realize niya na ang training na binigay sa kanila ay hindi lang para sa pisikal na kakayanan kundi pati na rin sa kanilang mentalidad.
“Sabi nga nila lagi sakin ‘positive thinking’ seeing the good side in every shitty (minsan literal) situation you are in. Yung training tatanggalin nila lahat ng civilian ways mo pride, kaartehan, ego etc. tapos ibi-build ka ulit to be a better person,” dagdag pa ni Nash.
Hello... Nina alden at richard nalusutan ng namimirata!
Uy may nakakalusot daw na pirated online version ang Hello, Love, Goodbye nina Alden Richards and Kathryn Bernardo.
Maging ang nanay ni Kathryn kahapon ay nanawagan sa Twitter na i-report na ang nasabing pamimirata ng pelikula ng anak at Alden na nasa ika-third week na pero pinipilahan pa rin sa mga sinehan.
Ang online piracy na ngayon ang binibantayan dahil tuluyan na ngang nawalan ng market ang mga audio and video piracy sa CD / DVD.
Bukod sa wala na halos bumibili dahil nga wala na ring mga DVD or CD player, except sa ibang probinsiya, pero sa Manila nawalan na ng puwang ang mga namimirata dahil sabi nga sa isang article na lumabas sa https://sea.pcmag.com “The Philippines leads the list of social-media users; its citizens spend on average over four hours a day on it.”
Second ang Nigeria, Mexico, Turkey, Russia, India, China and USA.
Yup, as in ang mga Pinoy ang pinaka-adik sa social media na kung tutuusin ay hindi na nakakatuwa dahil parang nawalan na talaga ng buhay ang karamihan dahil lagi na lang sila nakatutok sa kanilang mga gadget kahit nagmamaneho kaya ang daming aksidente sa kalsada.
Anyway, sana nga ay mapigilan ang pagkalat ng pirated version ng Hello, Love, Goodbye.
ABS-CBN ball mag-iipon ng pang-scholarships
Sa nalalapit na ABS-CBN Ball sa Setyembre 14 sa Shangrila-La The Fort, itutuloy nila ang sinimulan noong nakaraang taon–ang magbigay ng pag-asa sa mga kapus-palad na kabataan, sa pamamagitan ng Bantay Bata 163 Bantay Edukasyon program.
Bibigyan ng pagkakataon ang Kapamilya stars at iba pang attendees nito para tumulong matupad ang mga pangarap ng kabataan sa pamamagitan ng pagbibigay ng scholarships sa naturang ball.
Lahat ng basic needs ng mga bata para sa maayos na edukasyon mula sa kompletong tuition assistance, meal at transportation allowances, school supplies, at ibang fees ay saklaw ng programa.
Sa ilalim ng programa, mabibigyan din ng counseling at training sa basic life skills sa pamamagitan ng social work intervention ang mga bata at kanilang mga pamilya.
Kasama rin ang values formation at parenting sessions, o ang Resiliency Program na naglalayon tulungan ang scholars malaman ang kanilang strengths at weaknesses; music, arts, at sports programs na magtuturo sa kanila ng kahalagahan ng disiplina sa kanilang buhay; at pati ang isang digital workshop na tutulong din mapalawak ang choices ng mga bata patungkol sa kanilang tatahaking landas.
Sinimulan ng Bantay Bata 163 ang Bantay Edukasyon noong 1998 para makapagbigay serbisyo sa mga na-rescue na mga bata. Simula nang ito ay naitatag, nakabigay na ito ng 6,400 scholarships sa buong Pilipinas.
Nakalikom ng P5 milyon piso ang 2018 ABS-CBN Ball na ginamit para sa construction at rehabilitation ng village, CCTV training para sa social workers, installation ng call at paging system, library, at isang multimedia room.