Jameson umaming casual dating pa lang sila ni Elisse

Jameson at Elisse

Kamakailan ay napabalitang nagde-date na sina Jameson Blake at Elisse Joson. Ayon sa Hashtags member ay hindi pa naman sila opisyal na magkasintahan ng aktres. “Kami? Wala kami, wala pa,” bungad ni Jameson.

Para sa binata ay wala namang magiging problema kung sakaling ligawan niya si Elisse. “I want to, hindi naman kami nagmamadali. Not formally (ang panliligaw), casual dates. We meet up sometimes. We talk, catch up all the time and checking up on each other. Ayun, just like how really good friends are to each other,” pagbabahagi ng aktor.

Matatandaang ang kaibigan at kasamahan din sa Hashtags ni Jameson na si McCoy de Leon ang huling naging kasintahan ni Elisse. Wala naman daw naging problema sa pagitan ng dalawang aktor kahit lumalabas-labas na sina Jameson at Elisse ngayon. “No bro code was broken. Well there’s this personal issue na lang regarding her and me. I guess that’s why people think that we are together but then it’s not there to that point,” paglilinaw ni Jameson.

Maris hindi nanghihinayang sa nabuwag na tambalan nila ni Inigo

Simula September 13 ay mapapanood na sa mga piling sinehan ang pelikulang I’m Ellenya L na pinagbibidahan nina Maris Racal at Inigo Pascual. Isa ito sa mga kalahok sa Pista ng Pelikulang Pilipino 2019. Masayang-masaya si Maris dahil kahit nagkahiwalay na sila ni Inigo ay patuloy pa rin ang pagbuhos ng suporta mula sa mga tagahanga ng tambalang MarNigo sa bagong pelikula.

“Very thankful ako kasi nandiyan pa rin sila na nag-stay sila kahit alam nilang hindi kami nagkatuluyan. They’re still there to support us with the movie. So ang saya-saya na nandiyan sila. MarNigos are the best. Gusto rin nilang mag-grow kami,” nakangiting pahayag ni Maris.

Nakararamdam ng kaba ang aktres bilang ito rin ang kauna-unahang pagkakataon na nakapagbida siya sa isang pelikula.

“Iba kasi ang usapan kapag magre-release ng movie eh, kailangan talaga maraming manonood. Parang ayaw mo namang biguin ‘yung trust ng management, ng prod,” pagtatapat ng dalaga.

Ayon kay Maris ay wala naman siyang naramdaman na panghihina­yang kahit na nabuwag na ang kanilang tambalan ni Inigo. Ang mahalaga para sa aktres ay nanatili pa rin ang kanilang pagkakaibigan ng binata. “To be honest wala naman akong pinanghihinayangan talaga. We did all our best. If hindi naman talaga para sa ‘yo, wag na lang pilitin, you know, accept things and move on, and learn from it. Wala naman kasi we remained friends eh. Hindi kami nag-burn bridges like okay pa rin kami ‘pag nagmi-meet kami and if may work in the future, game pa rin naming gawin,” paliwanag niya. (Reports from JCC)

Show comments