You do note girl, ‘di nakilala si Kathryn

Solid ang aliw ni ‘you do note girl’ na si Marjorie, 9-year old.

Sumikat siya sa social media sa panggagaya sa mga eksena sa Kadenang Ginto hanggang mag-guest sa Gandang Gabi Vice.

Natural siyang mang-aliw.

Sa interview sa kanya ni Robbie Domingo for MYX ay nag-message siya kay Daniel Padilla na sana ay isama siya sa pelikula o teleserye.

Nang tanungin siya ni Robbie kung ano naman ang message niya kay Kathryn Bernardo. “Sino si Kathryn, ah ‘yung nanay ni Daniel. Ah ‘yung partner ni Alden Padilla,” na hindi rin mapigilan ni Robbie ang hagalpak ng tawa.

Kaloka din si bagets ha. Parang si Daniel at mga bida ng Kadenang Ginto ang memoryado ang pangalan. Imposibleng ‘di niya kilala si Kathryn.

Show comments