Sunshine hindi nagmamadaling ikasal uli

Sunshine Cruz

Wala na raw mahihiling pa si Sunshine Cruz sa kanyang buhay pag-ibig sa ngayon. Ilang taon ng kasintahan ng aktres ang kapatid ni Ara Mina na si Macky Mathay. Kahit abala sa kanya-kanyang trabaho ay nagsusumikap pa rin na makapagkita at makapag-usap ang dalawa araw-araw. 

“Parang sa edad naman namin na ito, we understand each other, we support each other. ‘Yon ‘yung maganda kay Macky, na sinu-support niya ako. Kung ano ‘yung nakakapagpasaya sa akin, hindi siya distraction, inspiration siya which is what I need right now in my life. Very busy din siya but we get to talk naman every night,”kuwento ni Sunshine.

Hindi pa nagpaplano ang magkasintahan na magpakasal lalo pa’t katatapos pa lamang ng annulment ng kasal ng aktres sa dating asawang si Cesar Montano. “Kaka-annul ko pa lang, wala pang ilang buwan. For now ayaw ko munang pag-usapan.  In God’s time na lang, wait and see na lang tayo. But now kung ano ‘yung set up namin, kung ano ‘yung nangyayari sa akin, ini-enjoy ko muna kasi ka-enjoy-enjoy talaga. Sobrang grateful and blessed lang talaga ako sa mga nangyayari ngayon. Parang okay naman na ako,” giit niya.

Samantala, kamakailan ay pumirma na ng kontrata sa Star Cine­ma ang panganay na anak nina Sunshine at Cesar na si Angelina Cruz. Sobrang proud ng aktres nang malaman na nakapasa ang dalagita sa isang audition. “I was expecting nga before na, ‘Baka hindi ka makapasok?’ Tapos sabi niya, ‘I really wanna do it mom.’ Sabi ko, ‘Basta wala kang pasok, go.’ So no’ng nag-go see siya, nabalitaan ko pumasok. Sabi ko, tingnan mo nga naman ‘tong batang ‘to, ang swerte-swerte. ABS (CBN) contract star agad, while ‘yung iba nagta-tumbling pa. Proud ako sa anak ko and may confidence ako sa anak ko. Talaga namang kumakanta, alam ko naman na maganda ang rehistro sa kamera. Sabi niya, ‘Teach me how to cry, teach me how to do this.’ Sabi ko, ‘Bago kita turuan niyan, maghasa ka muna sa Tagalog.’ Ngayon nagpa-practice siya and mataas naman ang tiwala ko na kakayanin niya,” nakangiting pahayag ng aktres.

Hashtag Rayt inuuna ang mga kapatid kesa lovelife

Kagabi ay napanood si Rayt Carreon sa Maalaala Mo Kaya na gumanap bilang isang pulis. Bukod sa pag-arte at pagsasayaw ay may sariling album na rin ang Hashtags member. Hindi raw inakala ng aktor na gagamitin sa Pinoy Big Brother Otso ang kanyang single na Ano Bang Meron?

“No’ng first time kong narinig ‘yon, nagulat ako kasi di ko akalain na gagamitin nila. Naging theme song nga siya ng KiaNo, Kiara at Gino. Sobrang saya ko kahit paano marami ang nakarinig at nalaman nila ‘yung song,”bungad ni Rayt.

Walang kasintahan ang aktor sa ngayon dahil nakatuon ang panahon sa kabi-kabilang trabaho na kanyang ginagawa para sa pamilya. “Wala akong special someone, career muna talaga ako. Matulungan muna ‘yung family ko, bago ako maghanap ng special someone. Ngayon ‘yung dalawang kapatid ko, nag-aaral silang dalawa. Kailangan din nila ng financial support,” pagbabahagi ng binata.  (Reports from JCC)

Show comments