Mataas ang nakuhang ratings ng The Voice Kids sa unang dalawang araw na pagpapalabas nito noong Sabado at Linggo. Hindi lang magagaling ang mga sumali, kung hindi may magaganda rin silang kuwento na kinaaliwan ng mga masugid na taganood ng nasabing singing contest.
Habang lumalaon ay parang mas gumagaling pa ang mga batang sumasali rito. Lalo tuloy naging metikuloso sa pakikinig sina Lea Salonga, Bamboo Mañalac at Sarah Geronimo.
Kung sabagay maraming magagaling na singers ngayon na nanggaling sa TVK like Darren Espanto, Elha Nympha, Lyca Gairanod, JK Labajo at marami pang iba.
Parang mas tinututukan tuloy ang The Voice Kids kesa sa The Voice Ph. na kung saan ay mga adult ang kasali.
Samantala, parang hindi naman apektado ang nasabing show sa pagkawala ni Sharon Cuneta na dating judge roon. Mukhang hindi naman siya hinahanap.
Julia at Joshua hindi kayang panindigan ang pagiging mag-best friends!
Bagama’t sanay na ang viewers at followers na hindi nakikitang magkasama ang loveteam na JoshLia nina Joshua Garcia at Julia Barretto dahil nga sa pag-amin ng dalawa na sila ay hiwalay na, hindi pa rin inaasahan ng marami na iiwanang mag-isa ni Julia si Joshua sa San Francisco kung saan ginanap ang isang episode para sa ASAP Natin ‘To. Sabi kasi nila, silang dalawa ay nananatili namang magkaibigan.
Agad namang nilinaw ni Julia na hindi niya iniwan ang aktor, dahil ito mismo ang nagsabi na gusto nito diumanong mapag-isa.
Sa kabila ng pagpapaliwanag ng kontrobersyal na aktres, sa kanya pa rin ibinabato ang mga sisi at masasakit na salita.
Sinamahan naman nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo si Joshua sa table nito nang makita ng dalawa na mag-isa lang itong kumakain.
Ine-expect ng fans na pangangatawanan nina Joshua at Julia ang sinabi nilang ‘pagkakaibigan’ dahil may ginagawa nga silang pelikula, pero mukhang para sa trabaho lang talaga ang lahat. Tsk tsk tsk.
Mayor Isko nagpapabango lang para sa presidential election sa 2022?!
Huwag na muna sanang pag-usapan agad ang posibilidad na tumakbo sa pagka-pangulo sa 2022 si Manila Mayor Isko Moreno. Nagmumukha tuloy na isa lang na paraan ng pangangampanya ang mga magagandang gawain at serbisyo na ibinibigay niya para sa mga Manilenyo.
It’s too early to talk about this. Let’s just allow him to do his work dahil talagang masipag siya at mahusay na public servant at hindi dahil motivated by his running for a much higher position.
Maine hindi pressured sa Hello...
Hindi pressured si Maine Mendoza sa pagiging malakas sa takilya ng movie ni Alden Richards na Hello, Love, Goodbye. Meron kasi siyang gagawing movie with Kapamilya actor Carlo Aquino na siyempre ay gusto ng fans niya na maging isang box-office hit din.
Tulad ng mga unang pelikula na ginawa niya, ibibigay muli ng ka-loveteam ni Alden ang the best niya and hopes na maging sapat ito para dumugin din ang movie niya.