Ang love triangle ang number one issue ngayon sa showbiz.
Nakakatawa talaga dahil mga single naman sina Gerald Anderson, Julia Barretto at Bea Alonzo.
Okey lang ang ghosting, sulutan, palitan dahil wala pa namang permanent commitment na naganap like hindi pa kasal sina Gerald at Bea.
Lesson learned from that, medyo maging mapagbantay sa mga boyfriend at i-clear agad kapag may mga issue.
Kontrabida nga ang peg ni Julia ngayon, suffering victim si Bea, at two timer si Gerald.
Parang telenovela talaga ang tunay na buhay, wait tayo sa ending, sad or happy? Bongga!
Calvin Abueva at asawa dramatic ang mga eksena!
Dapat mga exciting ang i-guest namin sa Take It... Per Minute! (Me Ganun) Salve. Ang daming exciting na pangyayari around ha? Ang pagsasalita ni Sam Abueva, ang asawa ng player na si Calvin Abueva na alam natin na may showbiz konek dahil na-link siya noon kay Vice Ganda bago naging seryoso ang relasyon nito kay Ion Perez.
Naloka ako sa confession ni Sam sa Facebook na pinapanood ni Gorgy na awang-awa sa misis ni Calvin.
Bongga ang mga revelation tungkol kay Calvin dahil parang suspense thriller movie na may dramatic twist. Mabigat ang paratang sa kanya na umbagero at walang respeto sa asawa niya kahit buntis ito.
Ano kaya ang reaction ni Nap Gutierrez na very close yata kay Calvin? Ano kaya ang finale episode ng teledrama ng buhay ni Calvin na for a while naging leading man ni Vice Ganda.
Derek at Andrea bagay na mag-dyowa
So happy for Derek Ramsay at Andrea Torres. Type ko ang balita na mukhang nagkaroon na ng magandang start ang relationship nila nang magsama sila sa The Better Woman ng GMA-7.
Nice beautiful pair sila Derek at Andrea, bagay na bagay at talagang parang pinagtagpo talaga ng kapalaran.
Matagal nang walang boyfriend si Andrea. Si Derek naman, kasama pa ang ex-girlfriend niya na si Joanne Villablanca nang mag-sign siya ng kontrata sa GMA-7.
Sino ang mag-aakala na ang magiging partner pala ni Derek sa The Better Woman ang magbibigay sa kanya ng bagong happiness.
Bongga, sana maging maayos lahat dahil parehong mabait si Derek at Andrea. Better man for a better woman. Go!
Kung sabagay, maghapon at magdamag daw silang magkasama sa taping ng The Better Woman sa isang malayong bayan sa Batangas.
Nagkataon pa na malungkot si Derek dahil naghiwalay sila ni Joanne kaya malaki ang chance na si Andrea ang napagtuunan niya ng atensyon at nagbigay-kasiyahan sa kanyang buhay.
Hindi naman nakapagtataka na mahulog ang loob ni Derek kay Andrea dahil bukod sa seksi, maganda at mabait, responsible na anak at kapatid ang leading lady niya sa The Better Woman.
I’m sure, lalong nadagdagan ang paghanga ni Derek kay Andrea dahil nakita niya kung paano magmahal sa pamilya ang sexy actress.
Very very close si Andrea sa kanyang mga magulang at umiikot din ang buhay niya sa kapatid na may Down Syndrome. Mahal na mahal ni Andrea ang kanyang kapatid dahil sa tuwing hindi siya busy sa taping o ibang showbiz commitments, ipinapasyal niya ang kapatid, kasama ng kanilang mga magulang.