^

PSN Showbiz

Rafael pasok sa serye nina Bea at Richard!

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon

Isang bagong teleserye ang nakatakdang gawin ni Rafael Rosell sa ABS-CBN. Magbibida ang aktor kasama sina Bea Alonzo at Richard Gutierrez sa bagong proyekto. Masayang-masaya si Rafael dahil muli siyang binigyan ng soap opera ng Kapamilya network pagkatapos nang pananatili nito ng pitong taon sa GMA-7.

Ayon sa aktor ay nakatrabaho na niya noon si Bea sa kauna-unahang teleserye na kanyang nagawa. “Makakatrabaho ko ulit si Bea. Siguro tagal na nating hindi nagkatrabaho. Isa sa mga unang soap ko nakasama ko si Lloydie (John Lloyd Cruz) at si Dimples (Romana). Kay Tagal Kang Hinintay, doon ko siya unang nakasama,” bungad ni Rafael.

Ngayon pa lamang makakatrabaho ng aktor si Ri­chard na matatandaang galing din sa Kapuso network. “Sobrang excited ako kasi first time kong makakasama sa screen si Richard Gutierrez. First time namin magse-share ng frame. I think never nangyari sa aking adventure sa kabilang working area,” paglalahad ng binata.

Makakasama rin sa bagong serye sina Christian Bables, Roxanne Barcelo, Ana Abad Santos, Jameson Blake at ang bagong Kapamilya na si Jennica Garcia.

Mark Neumann nag-aayos ng mga dokumento para sa kasal sa GF na ‘di showbiz

Kamakailan lamang nalaman ni Mark Neumann na hindi pinag-aaralan sa mga eskwelahan sa Pilipinas ang sex education. Para sa aktor ay malaki ang maitutulong ng sex education para sa lumalaking mga kabataan. Lumaki ang aktor sa Germany kung saan din siya nakapagtapos ng elementary. “First of all you’re aware when something like that exists when you’re a child. Kasi what happens sometimes kasi if walang alam ang bata, baka masangkot pa siya sa masamang pangyayari or something. It does give a benefit. Of course some parents don’t want their children to know at a young age about what sex is. Pero there’s also less curiosity because they already know they’re guided,” paliwanag  ni Mark.

Isa ang aktor sa mga bida ng Mga Batang Poz na mapapanood sa iWant. Isang malaking karangalan daw para kay Mark na mapasama siya sa nasabing advocacy series na tumatalakay sa PLHIV o people living with HIV o human immunodeficiency virus. “Very proud ako to this project kasi it’s not really about the project itself na may trabaho ako or exposure, no. It’s an honor to be part of an advocacy, to be educating and guiding people to clear things up tungkol sa stigma pagdating sa mga patients living with HIV,” pagbabahagi ng binata.

Samantala, nagbabalak umano si Mark na pakasalan na ang non-showbiz girlfriend. Apat na taon nang magkasintahan ang dalawa at ayon sa aktor ay may inaayos na lamang siyang mga dokumento sa Germany para maisakatuparan ang plano. “Of course, I’m just getting the papers ready,” pagtatapos niya.    (Reports from JCC)

RAFAEL ROSELL

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with