SEEN: Madalas mag-trending si Herlene Budol na mas kilala bilang Hipon Girl, ang co-host ni Willie Revillame sa Wowowin, dahil natural comedienne siya. Lubos ang pasasalamat ni Herlene kay Willie dahil sa big break na ibinigay nito sa kanya. Kahit sumisikat na siya, ipinagpapatuloy ni Herlene Budol ang kanyang pag-aaral. Second year college student si Herlene at tourism ang course niya.
SCENE: VIP treatment ang natanggap ni Willie Revillame mula sa Synergy88 Philippines at August Media Holdings Singapore sa contract signing niya para sa Wil To Play mobile app sa Ion Sky noong Linggo nang gabi, July 28. Excited si Willie sa kanyang bagong project dahil marami sa mga kababayan natin ang mabibigyan ng pag-asa ng Wil To Play.
SEEN: All original at may Filipino touch ang mga casual game ng Wil To Play. Ipinangako ni Willie Revillame na siya ang personal na maghahatid ng mga premyo sa lucky winners. Si Atty. Ferdinand Domingo ang legal counsel ni Willie at siya ang tumulong sa negosasyon sa pagitan ng kanyang kliyente at ng Synergy88 Philippines at August Media Holdings Singapore. Dalawang taon ang bisa ng kasunduan ng magkabilang panig.
SCENE: Tapos na ang promo period ng Hello, Love, Goodbye kaya nakakaramdam na ng separation anxiety ang cast members na naging malapit sa isa’t isa. Nangako ang mga artista ng Hello, Love, Goodbye na mananatili ang kanilang friendship, kahit hindi na mapapadalas ang pagkikita nila.
SEEN: Second runner up lang sa grand finals ng Idol Philippines ang pinapaboran ng marami na manalo, ang openly gay contestant na si Lucas Garcia. Tinalo si Garcia ni Zephanie Dimaranan, ang idineklara na Idol Philippines winner. Ang The Voice Kids ang ipapalit sa timeslot ng nagwakas na singing competition ng ABS-CBN.