Kauna-unahang Vivacon 2019 dagsa ang mga artista!
MANILA, Philippines — Siguradong bida ang mga pupunta sa August 3 and 4 sa kauna-unahang Vivacon 2019 ng Viva group of companies na dadaluhan ng mga paborito nating Viva artist na sina Sarah Geronimo, Anne Curtis, Matteo Guidicelli, Empoy Marquez, Alex Gonzaga, Arjo Atayde, JC Santos, Bela Padilla at marami pang iba.
Magsisimula ang nasabing event mula 10:00 ng umaga hanggang 10:00 ng gabi na gaganapin sa World Trade Center in Parañaque. P550 per person ang admission price kung saan first come, first served ang basis. Maaari kayong makabili ng ticket sa SM tickets online.
Bukod sa mga artistang una nang nabanggit, magpe-perform din sa main stage sina Yassi Pressman, Unique, Callalily, Kean Cipriano, Because, The Juans, Mark Bautista, The Ppop Girls, The Viva Hot Babes, Janine Teñoso, Shane Dandan, John Roa, SexbombNewGen, Katrina Velarde, This Band at marami pang iba.
Magkakaroon naman ng talk sa August 3, Saturday, ang mga kilalang screenwriters at directors tulad na lang ng actress at writer na si Bela Padilla, Treb Monteras (direktor ng Respeto), Sigrid Bernardo (direktor ng Kita Kita) at Paul Basinilio (direktor ng Indak), habang sa August 4 naman matutunghayan sina Jason Paul Laxamana (direktor ng 100 Tula Para Kay Stella), Irene Villamor (direktor ng Ulan) at Nuel Naval (direktor ng This Time).
Nasa event din ang mga kilalang media influencer na makikipagkuwentuhan sa atin tulad ni Janine Teñoso, Meunnie Culantes, Jam Raquion, Julian Trono, Ella Cruz at Daryll Yap on August 3, at Donnalyn Bartolome, Marcelo Santos III at John Roa on August 4.
Huwag ding palampasin ang pagpapasiklab ng cast ng mga pelikulang Indak, Just A Stranger, Sanggano, Sangguwapo, Sanggago at Unforgettable na sina Nadine Lustre, Sam Concepcion, Anne Curtis, Marco Gumabao, Andrew E., Dennis Padilla, Janno Gibbs at Sarah Geronimo.
Bukod sa performances, magkakaroon din ng auditions ang Vivacon para sa mga gustong mag-artista, may mahigit na 100 booth din na puwedeng pagbilhan ng entertainment merchandises at higit sa lahat ang meet-and-greet sa mga Viva idol.
- Latest