Andrea hindi inalam ang presyo ng pinatatayong bahay!
Masayang-masaya si Andrea Brillantes dahil matutupad na ang plano niyang makapagpagawa ng bahay para sa pamilya. Ayon sa dalagita ay matagal na siyang nag-iipon para maisakatuparan ang pangarap. “Magpapatayo po ako ng bahay. So doon ko po lahat inilalagay ang lahat ng pinaghirapan ko,” nakangiting bungad ni Andrea.
Ang aktres ang tumatayong breadwinner ng pamilya kaya naman si Andrea rin ang mismong namamahala sa kanilang mga gastusin. “Actually hindi ko inaalam ang mga presyo. Napi-pressure ako ‘pag alam ko ang prices, kung nalalaman ko kung magkano ang dapat kong bayaran, kung magkano ang mga utang ko, mga gano’n,” pagbabahagi niya.
Malaki ang pasasalamat ng dalagita sa mga tagahangang patuloy na sumusuporta sa kanya sa teleseryeng Kadenang Ginto.
Isa rin si Andrea sa most followed Pinay celebrity sa YouTube kaya sobrang maingat ang aktres sa paggawa ng mga video blogs. “Siyempre nakaka-pressure. Kasi open sa lahat ‘yung pino-post mo. So dapat dahan-dahan at pag-iisipang mabuti kung makakatulong ba or mag-cause lang ng gulo. Pero masaya din, makikita mo ang lahat ng followers mo. Makikita mo lahat ng nagmamahal sa ‘yo,” paglalahad ng aktres.
Vitto nagkaroon na ng time ng extra curricular activities
Hindi na regular na napapanood sa It’s Showtime ang grupong Hashtags. Naiintindihan naman daw ng isa sa mga miyembro nito na si Vitto Marquez ang nangyaring pagbabago sa programa. “Ako personally ha, I think it’s better for the group. Kasi we have more time to have more rehearsals, to complete a really perfect production number. Kasi ako naniniwala pa rin ako sa Hashtags na kaya namin. Paano namin ia-uplift ang name ng Hashtags, it’s by dancing. Ako mismo, I do extra curricular activities para lang gumaling ako, not only on dancing but on hosting, acting, singing. Para kung saan ako ilagay, pwede. And siyempre, ‘yung mga kagrupo ko naman, I can’t control them, but they are really good friends of mine,” paliwanag ni Vitto.
Isa rin sa mga posibleng dahilan kaya nabawasan ang exposure ng Hashtags sa nasabing noontime show ay dahil abala rin sa kanya-kanyang proyekto ang mga miyembro nito. “May sari-sarili kaming mga trabaho, mga raket. Ano ba career path ni Jameson (Blake), ni McCoy (de Leon)? Everyone started in Hashtags, ‘yon ‘yung root namin. Pero paano kami magba-branch out sa iba’t ibang fields? ‘Yon ang hindi namin makokontrol kaya ‘yon ang nangyayari ngayon. Si Jameson may movies na, may love team. Si McCoy sobrang galing sa drama. Si Ronnie (Alonte), nagteteleserye din. Ako naman sa dance film, I mean, you can’t control it naman,” giit ng aktor.
Kasama si Vitto sa pelikulang Indak na pinagbibidahan nina Nadine Lustre at Sam Concepcion. Mapapanood na ito sa mga sinehan simula August 7. (Reports from JCC)
- Latest