Yeng nag-apologize sa pambu-bully!

Yeng

Mabuti naman, nag-apologize na si Yeng Constantino sa panghihiya na ginawa niya sa isang lady doctor sa Siargao. Deleted na rin ang vlog ni Yeng pero huli na dahil kumalat na ito at marami ang nakapag-save.

Sinabi ni Yeng sa apology post nito na nadala lamang siya ng kanyang emosyon dahil sa aksidente sa Siargao na nangyari sa asawa niya.

SONA laging inaabangan

Ang State of the Nation Address (SONA) na ginagawa every July ng bawat Presidente ng Pilipinas ay parang report card na ipinapakita sa mga tao.

Maririnig sa State of the Nation Address ang mga pangako ng pangulo, ang mga gusto nilang gawin at mga  nagawa na para sa bansa.

Araw rin ng fashion show ng mga senadora, congresswomen at asawa ng mga mambabatas ang State of the Nation Address.

Every year, the nation’s looking forward for this day at makikita mo how our president is doing sa interest na ipinapakita ng tao sa report niya sa sambayanang Pilipino.

Makikita sa SONA ang present standing ng pa­ngulo, kapag excited ang lahat na pumunta, gusto ng lahat na makalapit sa kanya at mataas ang rating niya sa oras na ‘yon.

Makikita rin sa SONA kung paano sinasalubong ang pangulo ng mga kasamahan niya.

Mukhang it will be a very exci­ting year dahil marami ang mga bagong opisyal na nahalal sa posisyon, marami ang nawala at may mga aral sila na natutunan sa nakaraan na eleksyon.

Sana nga magkaroon ng pagbabago, hindi man drastic basta may mabago sa sistema para sa ikauunlad ng bansa at ng pamumuhay ng mga Pilipino.

Magkatotoo sana ang sinabi ni Papa Digong (Presidente Rodrigo Duterte) na tatlong araw lang para makuha ng mga aplikante ang mga dokumento na kailangan nila, kapag hindi natulungan ang farmers, i-abolish na lang ang Land Bank, madagdagan ang suweldo ng teachers at nurses at ibalik ang mandatory ROTC para magkaroon ng konting responsibilidad sa bayan ang mga kabataan.

Another year, another hope to cling on. Go Philippines, my beautiful country. Fighting.

Show comments