'Mamatay kayong lahat' — Philip Salvador sa mga kritiko ni Duterte

Paliwanag pa ni Philip, na kilala rin sa palayaw na "Ipe," mahusay namang ginagampanan ni Pangulong Duterte ang kanyang tungkulin bilang head of state ng Pilipinas.
PSN/File

MANILA, Philippines — Nagpupuyos sa galit at aktor na si Philip Salvador sa kanyang pagharap sa media ngayong ika-apat na State of the Nation Address ni pangulong Rodrigo Duterte.

Pero hindi ito galit laban sa administrasyon, ngunit poot laban sa mga kontra sa polisiya ng presidente.

"Sa inyo pong lahat na bumabatikos, mamatay kayong lahat. Salamat po," sabi niya sa isang panayam sa South Wing ng House of Representatives.

Kasama niya para manuod ng SONA ang kasama sa showbiz industry na si Robin Padilla, na kilalang supporter ng presidente.

Paliwanag pa ni Philip, na kilala rin sa palayaw na "Ipe," mahusay namang ginagampanan ni Duterte ang kanyang tungkulin bilang head of state ng Pilipinas.

"Ginagawa lang ng pangulo natin ang lahat para sa ikabubuti ng bansa. Para sa ikabubuti ng bansa, para sa ikabubuti ng bawat Pilipino," sabi niya.

"Pero binabatikos pa rin siya."

Dagdag pa ni Philip, na-"brainwash" lang daw ang mga bumabanat sa presidente kaya sila ganoon.

Sinambit niya ang mga nasa taas bagama't kilala siya sa pagganap sa ng iba't ibang radikal na pelikula noong dekada '80 gaya ng "Orapronobis," "Bayan Ko: Kapit sa Patalim," "Kumander Dante," atbp.

Marami sa kanyang mapangahas na pelikula ay dinirek ni Lino Brocka, na co-founder ng Concerned Artists of the Philippines.

Show comments