Congrats kay Champ Manny Pacquiao dahil win siya sa laban nila kahapon ni Keith Thurman, Jr.
Muling pinatunayan ni Papa Manny na mahirap pa rin siya na talunin at kayang-kaya pa niya na makipagbakbakan sa boxing, kahit 40-years old na siya.
Ten years younger si Thurman sa Pambansang Kamao pero walang nagawa ang kanyang kabataan sa malalakas na suntok at mabilis na pagkilos ni Papa Manny.
Ang tagumpay ni Papa Manny ang posibleng dahilan para i-postpone ang kanyang plano na retirement dahil naipakita niya sa buong mundo na may asim pa siya.
Papa Toby hindi maepal
Sobrang touching naman ang text ni Navotas City Mayor Toby Tiangco, Salve. Talagang pinipilit niya na manood tayo at sumama sa Las Vegas dahil nga nasanay na raw siya na nandoon tayo kapag fight ni Champ Manny Pacquiao.
Sobra talaga sa bait si Mayor Toby na mula pa noon, siya ang tao na kahit saan mo makita, pupuntahan ka at babatiin.
At sobrang alaga niya kapag kasama mo, kulang na lang bantayan ka hanggang makatulog dahil gusto niya na matiyak na safe na safe ka.
Kaya ngayon ay alam ko na kung bakit sobra ang pagmamahal sa kanya ng Navotas residents, pati sa kapatid niya na si Congressman John dahil alagang-alaga nila ang kanilang mga kababayan.
At hindi maepal na pulitiko si Papa Toby ha? Very discreet at tahimik lang siya, hindi ‘yung tipo ng tao na know it all kaya forever Team Toby tayo ha, Lynette at Salve.
Sige tingnan natin sa susunod na fight. Iisipin ko dahil nakakapagod ang long flight. Thank You Papa Toby, sa Navotas na kaya ako tumira? Hahaha.
Young Mayors binabantayan ang bawat galaw
Totoo nga na rockstars ngayon ng politics sina Pasig City Mayor Vico Sotto at Manila City Isko Moreno.
Kahit saan magpunta ang dalawa, napapalingon ang lahat. Saan man sila makita, sure na magkakagulo ang mga tao.
Ang ganyan na atensyon ang dagdag-pressure kina Isko at Vico dahil alam nila na malaki ang mga expectation sa kanila at talagang inaasahan ng lahat na makaka-deliver sila.
In fairness, mukhang matutupad naman nina Isko at Vico ang mga inaasahan sa kanila ng mga tao dahil sa unang araw pa lang ng panunungkulan nila, subsob na sila sa trabaho.
Medyo nahirapan lang ang dalawa dahil naging pasaway noong una ang ibang constituents nila.
Dahil sa ipinakita na political will nina Isko at Vico, natuto rin na sumunod sa kanilang mga kagustuhan ang mga pasaway na ayaw sa pagbabago.
Nakakatawa nga ngayon dahil sinasabi ng iba na mas bata talaga ang dapat na mayor para mas malakas ang kanilang mga katawan sa pagharap sa trabaho kaya ang mga katulad nila ang hinahanap ng mga botante.
May dapat katakutan ang mga old politician dahil nag-iba na ang ihip ng hangin. After a year, tingnan natin ang achievements ng dalawang rockstar mayor kung mga nakapasa sila sa mga pagsubok na ipinagkatiwala sa kanila.
Pati ang mga lady mayor na tulad nina Quezon City Mayor Joy Belmonte at Makati City Mayor Abby Binay, tingnan din natin.
Sila ang mga young mayors na hinaharap nang todo ang ikagaganda at ikauunlad ng bayan kaya suportahan natin. Bigyan natin sina Isko, Vico, Joy at Abby ng sapat na panahon para magawa nila ang mga nararapat at matupad ang kanilang magagandang plano para sa mga siyudad na pinamumunuan.