Tuwang-tuwa ang mga producer ng concert ni Julie Anne San Jose, ang Julie Sings the Divas na ginanap sa The Theater at Solaire nung nakaraang Sabado nang gabi dahil na-sold out ang tickets nito.
Sina direk Louie Ignacio at Maestro Danny Tan ang ilan sa mga producer ng concert. Todo promote sila rito dahil nung mga ilang linggo bago ang araw ng concert hindi raw gaanong pumalo ang bentahan ng tickets. Hanggang sa medyo okay na nung papalapit na ang concert.
Ang ikinagulat nila, nung araw mismo ng concert nung nakaraang Sabado ay ang dami raw pumila sa Solaire para bumili ng tickets nito. Doon daw naubos ang mga mamahaling tickets kaya bago nagsimula ang concert, na-sold out na ito.
Kaya nung umakyat ng stage si Julie Anne, napa-sign of the cross siya nang nakitang punung-puno ang venue.
Nung unang kanta niya na kung saan kantang All By Myself ni Celine Dion ang opening number, nahalata naming wala sa kundisyon ang boses ng Asia’s Pop Sweetheart.
Sa kalagitnaan nito, sinabi na niyang nagkasakit pala siya two days before the concert.
Kuwento ng ilang malapit kay Julie Anne, kinabahan na raw sila dahil nilagnat ito pagkatapos niyang mag-rehearse. Medyo ngongo na raw at inuubo kaya pinagpahinga raw nila ng buong araw bago ang concert.
Nung bago siya isinalang sa stage, medyo ngongo pa rin pero sinasabi raw niyang kakayanin niya. Kaya nakabantay lang daw ang doktor niya para mag-monitor baka kung mapano siya.
Mabuti at nairaos naman ni Julie Anne ang buong concert na umabot ng mahigit dalawang oras.
Mga sikat na kanta ng dalawampung kilalang divas ang kinanta niya, dagdag pa ang duet niya kay Arnel Pineda na Bohemian Rhapsody.
Nag-duet din ng Tell Him sina Barbra Streisand at Celine Dion ang dalawang guests niyang sina Maricris Garcia at Melbelline Caluag ng The Clash.
Malaki ang pasasalamat ni Julie Anne sa Diyos dahil nairaos niya ang naturang concert kahit may sakit ito.
Dun daw niya naramdaman ang tensyon ng ibang divas gaya nina Regine Velasquez at iba pa na nagkakasakit at minsan nawawalan pa ng boses bago ang kanilang concert.
Pero dahil sa concert na ito, umakyat na nga sa diva level si Julie Anne dahil nagawa niyang kumanta kasama ang orchestra na bihira lang gawin ng ilang magagaling na concert artists.
Sa pagkakaalala ko lang, dito sa atin ay sina Regine at Lea Salonga lang ang nakapag-perform kasama ang orchestra at backed-up pa ng UP Concert Chorus.
FDCP may kakampi na mga direktor umapela sa biyernes na pagpapalabas ng mga sine
Naglabas ng statement ang grupong DGPI o Directors Guild of the Philippines, Inc. kaugnay sa isyu ng Friday showing ng mga pelikula natin na inilabas na Memorandum ng Film Development Council of the Philippines.
Sulat nila ito para sa CEAP (Cinema Exhibitors Association of the Philippines).
Inilabas nila ito dahil sa balitang idedemanda nila sina Liza Diño ng FDCP dahil sa paglabas ng ganung memorandum na hindi naman daw ito napagkasunduan sa kanilang mga theater owners.
Kaya umaapela ngayon ang grupo ng mga direktor na makiisa sana sa FDCP ang mga theater owners na gawing Biyernes na ang showing ng mga pelikula.
Bahagi ng sulat na ipinadala inilabas ng DGPI para sa CEAP; “The Directors Guild of the Philippines (DGPI) isa deeply saddened and disturbed by this turn of events. As the prominent organization representing the country’s premiere directors, we embraced the FDCP memorandum as a necessary change that will equalize the economics of making films and will benefit the movie going public by being given a chance to patronize their local cinema.
“In light of this, we petition CEAP to give this memorandum a chance. Aside from making films on stories they feel strongly about, local filmmakers seriously want their works to reach as large an audience as possible and their producers, distributors, and theaters to recoup costs or make profits, just as much and as seriously as CEAP does, to ensure local production continues well into the future.”