Renz nag-aalaga habang nag-aaral GKM project, patuloy ang paghahatid ng pag-asa
Kakaiyak ang kuwento ng isang nine-year old boy na si Renz na taga-Agusan del Sur na nag-viral ang photos kahapon matapos i-post ng kanyang teacher kung paano nito pinagsasabay ang pag-aaral at pagiging kuya sa kanyang batang babaeng kapatid.
Makikita sa photos na lumabas sa Facebook account ng Philippine Star na karga-karga ni Renz ang maliit na kapatid na babae habang nagsusulat at nakikinig sa teacher sa loob ng classroom.
Sabi ng teacher sa nasabing post, madalas din daw pumapasok na walang almusal, baon at hindi rin naka-uniform si Renz.
Grabe, sana naman ay matulungan si Renz ng mga kinauukulan sa San Juan Bayugan City, Agusan del Sur.
Sana rin next year ay makasama si Renz sa libu-libong mga batang estudyante sa Luzon, Visayas, at Mindanao na natulungan ng proyektong Gusto Kong Mag-Aral (GKM) ng ABS-CBN Foundation Inc. (AFI) na namigay ng 50,000 na school bag na may nilalaman na kumpletong supplies sa iba’t ibang probinsya mula Enero hanggang Hulyo nitong taon.
Dinayo ng GKM ang 27 na probinsya sa bansa, kabilang ang Bulacan at Masbate sa Luzon, Leyte at Iloilo sa Visayas, at Compostela Valley at Sulu sa Mindanao. Bawat bag ay naglalaman ng mga notebook, pencil, ballpen, crayons, sharpener, eraser, at sipol na pwedeng gamitin ng mga bata sa panahon ng peligro.
Inilunsad ang GKM noong 2017 bilang proyekto ng Sagip Kamapilya, ang programa ng AFI na nagbibigay tulong sa mga Kapamilya sa panahon ng sakuna, giyera, o kalamidad. Layunin ng GKM na hikayatin ang mga batang Pilipino na makatapos sa pag-aaral at ibsan ang gastusin ng kanilang mga magulang para sa mga kailangan nilang gamit sa pag-aaral. Sa tatlong taon ng GKM, higit 250,000 na school bag na ang napamigay ng Sagip Kapamilya sa mga estudyante sa buong bansa sa tulong ng mga donor at kapartner na organisasyon ng AFI. Pinipili ng ABS-CBN ang mga eskwelang makakatanggap ng bags sa mga nirekomenda ng Department of Education, o sa mga komunidad na tinutulungan na ng AFI.
Maaari ka ring tumulong sa mga batang nangangailangan sa pamamagitan ng pag-donate sa Sagip Kapamilya. Sa bawat P350.00, makakatanggap na ang isang bata ng Gusto Kong Mag-Aral bag kasama na ang mga gamit para sa eskwelahan.
Sana nga marami pang ibang bata na katulad ni Renz ang matulungan hindi lang ng GKM kundi ng ibang nagkakawanggawa.
- Latest