Tj/Glaiza movie, pinalabas na walang ingay

TJ Trinidad and Glaiza de Castro

Maganda ang kuwento ng pelikulang My Letters to Happy na pinalabas na kahapon sa mga sinehan. Magagaling din ang bidang sina TJ Trinidad and Glaiza de Castro.

Yun nga lang, wala itong kaingay-ingay. Obvious na hindi nag-effort ang producer ng pelikula na i-promote ito para pag-usapan naman at maka-attract ng manonood.

Tagos ang kuwento ng pagmamahal sa pelikula pero masusubukan sa dinaranas na ‘sakit’ ni Happy (Glaiza).

May pagka-advocacy film ang My Letter to Happy sa mental health problem na dumarami ang dumaranas sa kasalukuyan.

Saka sort of comeback project din ito ni TJ Trinidad na walang kupas ang galing.

Parang ang tagal ko na siyang hindi napapanood sa pelikula or baka naman meron pero probably short lang ang exposure niya.

Pero dito sa My Letters to Happy, bidang-bida siya with Glaiza na isa pang mahusay na actress.

Three weeks na walang pelikulang Tagalog na pinalabas sa mga sinehan.

At yesterday lang nga may lumusot. ‘Yun nga lang kapos sa promo kaya parang iilan ang nakaalam na palabas  na ito.

Sana ay makatulong ang word of mouth para kumita naman ito.

Minsan din kasi hindi na yata talaga pinu-push ng mga producer dahil ang goal na lang nila ay ibenta sa mga streaming sites ang pelikula nila.

Pero ‘di ba mas bongga pa rin kung kikita ang pelikula sa mainstream cinemas.

Anyway, Graded B nga pala ng Cinema Evaluation Board (CEB) ang My Letters to Happy.

Next week ay showing naman ang Family History starring Michael V. and Dawn Zulueta at huhusgahan na ang pinaghirapan ni Bitoy bilang producer, director, writer and actor.

Medyo may pagka-drama ito at makikita mo naman talaga ang effort ni Michael V.

Graded B din ito ng CEB

Sa July 31 naman ang showing ng Hello Love Goodbye starring Kathryn Bernardo and Alden Richards.

Sana nga ay sumipa sa takilya ang mga pelikula bago mag-umpisa ang Cinemalaya at Pista ng Pelikulang Pilipino.

Show comments