After Alden at Kathryn, Direk Cathy babu na sa pelikula

Cathy

SEEN: Ang magkasabay na guesting nina Manila City Mayor Isko Moreno at San Juan City Mayor Francis Zamora sa talk show ni Arnold Clavio. Sabay-sabay na nagsayaw ang tatlo pero napag-iwanan nina Arnold at Isko si Francis dahil hindi ito kompor­table sa pag-indak.

SCENE: “Nagmumura” na ang star aura ni Marco Gumabao nang dumalo ito sa announcement ng partnership ng Viva at Iflix sa isang events place sa Bonifacio Global City noong Miyerkules, July 10.

SEEN: Ang plano ng former Viva Hotbabes member na si Myles Hernandez na magbalik-showbiz. Matagal na nawala si Myles sa sirkulasyon dahil nag-asawa siya at nagkaroon ng mga anak. Ang launch ng Viva-Iflix partnership ang unang showbiz event na pinuntahan ni Myles matapos ang matagal na pamamahinga.

SCENE: Concept ni Nadine Lustre ang poster ng Indak, ang dance movie nila ni Sam Concepcion na mapapanood sa mga sinehan simula sa August 7, 2019. Mapagkakamalan na foreign film ang Indak dahil sa poster nito.

SEEN: Walang HistoryCon ngayong 2019 dahil papalitan ito ng VivaCon na magaganap sa World Trade Center sa August 3 at August 4, 2019. Ang VivaCon ang bihirang pagkakataon na makikita nang personal at malapitan ng fans ang Viva stars na iniidolo nila. Sa P550 entrance fee, maghapon na makakapiling ng fans ang lahat ng mga contract star ng Viva.

SCENE: Ang Hello, Love, Goodbye ang una sa huling tatlong pelikula ng direktor na si Cathy Garcia Molina bago ito magretiro at manirahan sa ibang bansa dahil mas mahalaga sa kanya ang kinabukasan ng mga anak niya. Maganda ang record ni Cathy Garcia Molina bilang direktor dahil blockbusters ang kanyang mga movie project.
SEEN: Pinatay na ang karakter ni James Blanco sa Dragon Lady dahil tinanggap niya ang teleserye ng ABS-CBN na pagbibidahan ni Maja Salvador. 

Show comments