Ngayon ko nakita ang kahalagahan ng pagiging mayor ng isang lungsod, Salve. Nakita ko rin ang great possibilities ng posisyon ng pulitiko na mayor.
Kapag maganda at pinag-usapan ang performance ng isang mayor, puwedeng ito ang maging hagdan para mahalal siya na presidente ng Pilipinas.
Sino ba ang pulitiko na hindi nangarap na someday, maging pinuno ng bansa? So, tulad ng nangyari sa political career ni President Rodrigo Duterte na naging maingay ang pagiging mayor ng Davao City kaya nahalal na pangulo ng Pilipinas noong 2016.
Ang mga bata na mayor gaya nina Manila City Mayor Isko Moreno, Pasig City Mayor Vico Sotto at Quezon City Mayor Joy Belmonte, malaki ang chance na maging presidente ng bansa kaya sigurado na tututukan ng publiko ang mga performance nila na magiging basehan kung sino ang possible strong contender as presidential candidates, later on.
Ang mga performance sa key cities na hawak nila ngayon ang magiging daan para mahalal sila sa mas mataas na posisyon.
Hindi rin puwedeng isara ang mga mata natin sa malaking nagawa ni Ormoc City Mayor Richard Gomez kaya umunlad ang siyudad na pinamumunuan niya.
Maaari rin na biglang may mga magpapakitang-gilas sa mga bagong halal na senador at congressmen kaya ngayon pa lang, kailangan na maging aware na tayo sa susunod na puwedeng maging next president ng Pilipinas dahil mas malaki na ang trabaho na haharapin at mga problema na lulutasin niya. Mamili na tayo ng mga presidentiable para hindi magkabiglaan kapag malapit na ang eleksyon.
‘Swerte ako sa Angels na ibinigay ni God’
Hindi ko na talaga alam kung paano pasasalamatan si Rossel Taberna, ang asawa ni Anthony “Ka Tunying” Taberna dahil tuwing birthday ko at Christmas, hindi siya nawawalan ng gift para sa akin na ipinadadala niya kay Elena Budingding, ang ‘lola’ ni Sandara Park.
Kaloka, hindi ko expected na magreregalo siya, knowing na kasamahan sa trabaho si Anthony at hindi naman ako ganoon ka-close kay Rossel dahil si Gorgy Rula ang love niya.
Ang thought at gesture na nagbibigay si Rossel ng ‘something’ kapag may special occasions, parang kiliti na sa puso ko dahil sobra silang mabait mag-asawa pati si Haydee na kapatid ni Ka Tunying.
Bongga talaga ang appreciation nila sa mga kaibigan tulad ng Kikay Girls, ang grupo nina Bambbi Fuentes at Pinky Tobiano.
Sobra ang pagiging thoughtful ng Kikay Girls na sina Malou at Marlene. Nakakahiya na nga kung minsan dahil madalas sila na may little something for me na hindi ko naman inaasahan bilang casual friends ko lang sila.
Nagkikita lang kami sa salon ni Bambbi pero may mga iniiwan sila para sa akin.
Paano ko naman hindi isusulat at ipo-post sa social media ang mga gesture na ganoon, kahit sinasabi ng bashers ko na may mga ibinibigay sa akin kaya magaganda ang mga write up ko.
Blessings ang tawag ko sa mga bagay na hindi ko hiningi pero kusa na ibinigay. Siguro in my past life, mabait ako kaya ngayon na medyo naughty ako, tanggap nila ako. Hindi ako nagtataka kung mainggit kayo dahil lucky girl nga ako. Bongga ang mga angels na ibinibigay sa akin ni God. Thank you my dear friends.