Matteo binira ng actress na si Chai Fonacier sa pagiging makabayan!
Ang daming nag-react sa ipinost ni Matteo Guidicelli sa kanyang Instagram account nung nakaraang linggo na nagbibigay pugay sa ating watawat.
Sabi ni Matteo sa caption ng post na iyon; “Salute to the flag, salute to our beautiful country! We challenge YOU, especially our colleagues in the showbiz industry.
“Instead of talking smack about different issues, why not unite so we may progress to make a better tomorrow.”
Sabi pa ng Kapamilya actor sa isang post niya nung nakaraang Lunes; “The last thing Soldiers want to do is fight. What Soldiers really want to do is nurture and build a brighter future for our children.”
Pero marami ring mga netizens ang nag-react lalo na sa sinabi niyang “Instead of talking smack about different issues, why not unite so we may progress to make a better tomorrow.”
Palibhasa, mayaman daw siya kaya hindi nito alam ang hirap na pinagdaanan ng ibang kapus-palad na dumaan sa matinding hirap.
Karamihan naman sa mga komentong iyun ay sinagot ni Matteo, at ipinaliwanag ang kanyang ipinaglalaban.
Isa pa sa nag-react ay ang aktres na si Chai Fonacier at tila punung-puno ng galit kay Matteo, dahil lang sa post na iyun.
Ani Chai sa kanyang FB post kahapon; “No matter how many feeding programs he does, Matteo GOYO-celli doesn’t know shit about this country.
“He never had people close to him die as collateral damage, he never was poverty stricken because if he ever does, DADA is always there for him.
“Never has he slept on hard floors not by his choice, never has he had to wait for payment from clients while having only fifty pesos in his pocket. Never had to worry for rent being late.
“For sure he worked hard towards where he is now. What he doesn’t realize is he had a head start.
“But hey, the privileged mofo has the gall to tell people to shut up. Because you know what? He was never put in a position where he has to complain for his rights.
“Drag him and clock him and read him for filth. There’s a word for people like him:
“AS***LE.”
Isa naman sa nagtanggol kay Matteo ay ang head writer ng GMA 7 na si Suzette Doctolero.
Sabi naman niya; “Anong masama sa stand niya? Pakialam ba ninyo? Magrally kayo at magpaka anti govt, go, pero huwag ninyong pakialaman ang paniniwala ng iba.
“For me kahanga-hanga siya.”
Hindi ko pa nakita kung sinagot ni Matteo ang matinding post na iyun ni Chai, na ang huling check ko, hindi ko na nakita sa kanyang FB account.
Pelikula ni Bitoy mahigit dalawang oras!
Kahapon ko nalaman sa isang source na binigyan ng MTRCB (Movie and Television Review and Classification Board) ng Rated PG ang pelikulang Family History ni Michael V.
Pinuri raw ng mga nag-review ang naturang pelikula, dahil maganda raw ang pagkakadirek at pagkakalahad ng kuwento na sinulat din ni direk Bitoy.
Umabot daw ng 2 hours and 10 minutes ang kabuuan ng pelikula, at maganda raw ang halos lahat na mga eksena.
Hindi raw nila maisip kung alin ang puwedeng tanggalin dahil kailangan naman daw lahat.
Mababawasan din kasi ng screening time kapag ganun kahaba. Kaya sana maganda ang feedback sa mga manonood para “word of mouth” puwede itong kumalat panoorin ng lahat.
Sabi nga ni direk Bitoy, gusto niyang mapanood ng lahat ang ‘tatak Michael V’. Kaya sana nga magustuhan ito ng lahat, para tuluy-tuloy na ang paggawa ni Michael V ng pelikula sa kanyang film production na Mic Test Entertainment kasama ang GMA Pictures.
Abangan natin kung kaya nitong makipagbakbakan sa makakasabay na malakas na Hollywood film na magbubukas din sa July 24.
Derek pinagkaguluhan sa UK
Sobrang thankful si Derek Ramsay sa mainit na pagtanggap sa kanya ng
mga kababayan natin sa United Kingdom.
Ang bida ng The Better Woman ang special guest sa Barrio fiesta na celebration ng mga kababayan natin sa Birmingham.
Sabi ng ilang mga kababayan natin doon, sa rami raw ng mga artistang pumunta roon at nakisaya sa kanilang festival, tanging si Derek lang daw ang umakyat ng stage na bumaba agad para makipaghalubilo sa fans.
Wala raw arte ito at tuwang-tuwang nagpa-picture sa fans lalo na sa mga kababaihang kilig na kilig sa kanya.
Kaya naman nagpahatid ng mensahe si Derek sa kanyang Instagram account na nagpasalamat sa mainit na pagtanggap sa kanya roon, kaya naging memorable raw ang pag-stay niya roon sa Birmingham.
Ang nakakatuwa pa, tanggap na siya ng karamihan na isa na siyang Kapuso at curious daw silang mapanood siya roon sa The Better Woman.
Sana nga makabalik doon si Derek kasama na ang leading lady niyang si Andrea Torres.
- Latest