SEEN: Walang dahilan para sagutin ni Matteo Guidicelli ang mga patutsada sa kanya ng character actress na si Chai Fonacier na binatikos ang pagpasok niya sa scout ranger training noong nakaraang buwan. Kung ikukumpara ang mga batikos ng netizens kay Chai Fonacier, bale-wala at amateur ang mga pasaring niya laban kay Matteo na walang kasalanan dahil pinairal lang ng aktor ang pagmamahal sa Pilipinas.
SCENE: Hindi yata busy si Rico Blanco kaya may panahon siya para i-monitor ang lahat ng mga komento tungkol sa comparison sa kanya sa Hollywood actor na si Keanu Reeves. Hindi ikinatuwa ni Rico ang pagkukumpara sa kanya at kay Keanu.
SEEN: Ang libro na compilation ng mga tula ng kanyang asawa na si Atty. King Rodrigo ang ipinamahagi ni Boots Anson Rodrigo sa presscon ng Hanggang Sa Dulo Ng Buhay Ko. Si Boots ang gumaganap na nanay ni Rayver Cruz sa afternoon suspense drama series ng GMA 7 na mapapanood simula sa July 22, 2019.
SCENE: Nagtataka si Dawn Zulueta dahil hanggang ngayon, may mga tao na letter O at hindi letter A ang ginagamit sa pagsusulat ng kanyang pangalan. Dawn at hindi Down ang correct spelling ng pangalan ni Dawn, ang lead actress ng Family History ng GMA Pictures.
SEEN: Ibang Anne Curtis ang mapapanood sa 28th anniversary presentation ng Maalaala Mo Kaya sa July 13. Isang transgender man na ipinagtatanggol ang karapatan ng LGBTQ community ang karakter na gagampanan ni Anne sa anniversary presentation ng drama anthology ni Charo Santos sa ABS-CBN.
SCENE: Gym and health buff si Enzo Pinedapero kumain ito nang kumain nang magbakasyon siya sa Japan, kasama ang kanyang pamilya kaya nadagdagan ng fifteen pounds ang timbang niya.
SEEN: Sa pangalawang pagkakataon, si Joyce Bernal ang direktor ng live television coverage ng State of the Nation ni President Rodrigo Duterte sa July 22, 2019. Si Bernal din ang direktor ng SONA ni Duterte noong 2018 at ngayong 2019, magdadagdag siya ng mga camera para mapanood ng publiko ang lahat ng mga magaganap sa Batasan Pambansa.