^

PSN Showbiz

Dingdong pressured sa dots!

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Dingdong pressured sa dots!
Dingdong Dantes

May nararamdaman na pressure si Dingdong Dantes dahil sa nalalapit na airing ng Philippine adaptation ng Descendants of the Sun ng GMA-7 na pagbibidahan niya.

Hindi kasi maiiwasan na magkaroon ng comparison ang sobrang tagumpay at ganda ng Koreanovela sa Tagalog version na ginagawa ni Dingdong. Idagdag pa na pinag-uusapan uli ang Descendants of the Sun dahil sa hiwalayan ng mag-asawang Song Joong-ki at Song Hye-kyo.

Nagsimula na ang training ni Dingdong at ng ibang mga co-star niya sa isang military camp.

Very athletic at maganda ang physical built ni Dingdong kaya convincing at credible siya bilang lead actor ng Descendants of the Sun. Sure ako na kayang-kaya ni Dingdong na gawin ang mga action scene na required sa bagong primetime show niya sa Kapuso Network.

Excited na ako na mapanood ang local version ng Descendants of the Sun at there’s no better choice kung hindi si Dingdong na isa sa mga pinakamahusay natin ngayon na aktor.

Kahit tatay nabigla, Song Joong Ki nagmukhang masama nang hiwalayan si Song Hye Kyo!

Habang tumatagal, nagiging ugly ang mga kuwento tungkol sa divorce nina Song Joong-ki at Song Hye-kyo.

Nagiging kontrabida si Song Joong-ki sa paningin ng fans dahil sa mga bagong rebelasyon na nag-file siya ng divorce na siya lamang at ang kanyang lawyer ang nakakaa­lam na ikinaloka ni Song Hye-kyo at ng kanilang mga kamag-anak.

Pati raw ang tatay ni Song Joong-ki, nabigla sa desis­yon ng kanyang sikat na anak dahil favorite daughter in-law niya si Song Hye-kyo.

Ipinapahiwatig ng mga bagong develop­ment sa divorce ngSong-Song couple na si Song Joong-ki ang may diperensya kaya nagkaroon sila ng irreconcilable differences ng soon-to-be ex-wife niya.

Ang ending, nakukuha ni Song Hye-kyo ang simpatiya ng publiko dahil siya ang mukhang kawawa at biktima ng mga pang-aapi. Hindi nagpapainterbyu si Song Hye-kyo tungkol sa paghihiwalay nila ni Song Jong-ki pero hindi nawawala ang mga balita na iyak siya nang iyak dahil epic fail ang pagsasama nila.

Nakakaloka rin ang balita na sobrang insecure si Song Joong-ki dahil sa mabilis na pagnipis ng buhok niya na hindi na big deal. Marami nang paraan para kumapal ang buhok tulad ng hair transplant na siguradong afford ni Song Joong-ki dahil milyonaryo siya.

vuukle comment

DINGDONG DANTES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with