Siguro Salve compatible ako sa mga tao na isinilang ng July dahil ito ang birth month ng tatlo sa mga pinakamamahal ko na mga kaibigan, sina, Pinky Tobiano Robles, Aileen Go at Cris Roque.
Tatlo sila sa pinakamabait na tao na nakilala ko, generous not only with material things kung hindi pati sa kanilang love sa kaibigan. Pare-pareho rin sila na mga lady of substance, successful businesswoman, entrepreneurs and good mothers.
They are the best gift God has given me, allowing me the chance to be their friend.
Si Pinky, palagi tayong dinadala sa The Farm ng San Benito para sa ating wellness program.
Nakasama na natin sina Aileen at Cris sa South Korea at Bangkok at dito natin napatunayan kung paano sila mag-alaga.
Para tayong mga precious baby na oras-oras tinatanong nila kung okey tayo, kung kumain na at kung may kailangan.
Their sweetness and kindness is so remarkable na feeling spoiled na tayo at kung minsan mahihiya na tayo dahil tutok na tutok sila.
Everytime na kasama natin sila, feeling like a queen tayo. Silang tatlo, sina Pinky ng Qualibet, si Aileen ng MegaSoft at si Cris Roque ng Kamiseta, are precious gems that we will always treasure and keep close to our hearts.
July will always be a month of love for me because of them. Happy happy birthday dearest friends Cris, Aileen and Pinky. We love you and we will always love you, promise.
Danilo mas pinili ang probinsya at negosyo
Natuwa naman ako at nakita ko si Danilo Barrios na isa sa mga paborito ni Chito Roño sa mga anak niya sa Streetboys.
Maganda na ngayon ang buhay ni Danilo Barrios dahil successful ang negosyo nila ng kanyang asawa na isang mahusay na businesswoman sa kanilang probinsya sa Tarlac.
Isa nang tunay na probinsyano si Danilo na kuntento na namumuhay sa kanyang farm sa Tarlac, kasama ng asawa niya at tatlong anak.
Tahimik at malayo sa gulo ng city life ang pamumuhay ni Danilo sa probinsya kaya hindi niya hinahanap ang limelight pero tumatanggap pa siya ng mga television at movie assignment, basta maganda ang role at walang conflict sa kanyang pamamahala sa negosyo nila.
Nakakatuwa naman dahil maganda na ang buhay ng lahat ng mga miyembro ng Streetboys. Tumatanaw sila ng utang na loob kay Chito dahil ito ang nag-alaga sa kanila at nagturo na mag-ipon para sa kanilang future.
Ang magandang guidance ni Chito sa Streetboys ang reason kaya bukod kay Danilo, successful din sina Vhong Na-varro, Jhong Hilario at ibang members na may mga fallback nang magpaalam sila sa kanilang grupo.
Congrats, Danilo at sa wife mo dahil sa tagumpay ng mga negosyo na pinasok n’yo. Continue to dance your way to success.