Negosyo ni ate Koring na pampaganda, humahataw
Ang lakas ng negosyo ng broadcast journalist na si Korina Sanchez-Roxas na ineendorso niya kasama si Jacque “Ate Girl” Gonzaga ng It’s Showtime na K Magic line of skin and hair product essentials.
As in ang dami nang order sa online. Yup, super certified businesswoman na nga si Ate Koring.
Maliban sa Wonder K na gu-magawa at nagdi-distribute ng pinagkakaguluhan ngayong pampapayat na powdered juice drink tulad ng K Berry Slim, ang K Magic ay mga FDA approved line of skin and hair product essentials sa ilalim ng K Everyday, na parehong linya ng produkto ng Universal K Corporation ni Korina.
“I’m very happy and proud of this product kasi nagustuhan talaga ng tao. Pinag-isipan kong mabuti ang formulations and galing Switzerland pa ang mga ingredients,” sabi pa ni ate Koring.
Ilan pa sa mga produkto ng K Magic na talagang humahataw sa merkado ay ang K Magic Happy Hair Shampoo and Conditioner na nagpapalambot, nagpapakintab at nagpapatibay ng buhok; ang K Magic Anti-perspirant Whitening Deo Roll na nakakaputi din ng underarms; tineternuhan ito ng K Magic Underarm Whitening Serum na garantisadong magpapaputi ng kili-kili ang K Magic Brightening and Moisturizing Facial Wash ay mayroon namang anti-bacterial tea tree extract para malinis talaga ang balat sa face na susundan ng K Magic Brightening Micellar Toner Mist para mag balanse ang Ph Level ng skin; at ang paborito ng lahat na K Magic Pampa Kit at K Magic Kili Kili Kit ay mga sets naman para nakakamenos sa presyo. Sa halagang P300 kumpleto na ang set mo sa mukha at sa kili-kili.
Naniniwala ang K Magic na lahat ng tao ay may taglay na kakaibang ganda. Walang pangit. Pakay ng grupo ni Korina na palakasin ang self-confidence ng bawat babae o lalaki, at ma-maximize ang potential ng bawat tao na gumanda ng todo sa murang halaga.
Habang naka-indefinite leave si Ate Koring sa ABS-CBN bilang isa sa pinakamatinik at beteranang newscaster nito sa loob ng 30 taon, pinayagan na ng Kapamilya Network na pumasok sa negosyo ang host ng top-rating Sunday magazine show na Rated K.
Bukod sa negosyo, siyempre aligaga rin si Ate Koring sa kambal nilang anak ni Mar Roxas na sina Pepe at Pilar.
- Latest