Naku Salve, ang laki ng kasalanan natin dahil hindi natin alam na July 6 pala ang birthday ng mahal nating si Cris Roque.
Imagine, sa sobrang bait niya sa atin, hindi man lang natin inaalam ang kanyang birthday samantalang lagi siyang aware sa mga important date sa buhay natin.
Mea Culpa Cris Roque. Isa ka sa friends ko na talagang grateful ako dahil sobra ang sweetness at sincerity mo.
At isa ka sa kino-consider ko na angel na ibinigay sa akin ni God dahil sobra ang pagiging generous mo, not only with material things but mostly with your emotions.
You will feel a certain calmness and sweetness just by talking to Cris. I will always be thankful and grateful for your friendship. I love you and will always be a text away pag may puwede ako na gawin for you. Willing to take a bullet for you anytime, my dear, dearest friend. I love you and happy happy birthday Cris Roque, our lady santa.
Dawn magaan kasama
Hindi ako umabot at nakadalo sa grand presscon ng Family History sa Novotel noong Martes.
Nakaramdam ako ng panghihinayang dahil gustung-gusto ko pa naman makita si Dawn Zulueta na isa sa pinakamabait na aktres na nakilala ko at ilang beses ko rin nakasama sa trabaho.
Naging co-host namin si Dawn sa Startalk noong 1996 hanggang 1997 bago siya nag-decide magpakasal kay Anton Lagdameo sa US.
Magaan na kasama si Dawn kaya nga malaking bagay na kahit una nilang pagsasama ni Michael V. sa isang pelikula, swak agad sila at okey ang naging resulta ng kanilang trabaho.
May chemistry sina Michael V. at Dawn, ayon sa kanilang co-stars at production staff ng Family History. Ramdam at kitang-kita raw ang respeto ng dalawa sa isa’t isa bilang mga artist.
Sa July 24 na ang playdate ng Family History sa cinemas nationwide. Cast members ng pelikula sina Miguel Tanfelix, Bianca Umali, Paolo Contis, Mikoy Morales, Nonie Buencamino, Kakai Bautista at Ina Feleo.
May special participation sa Family History sina Dingdong Dantes, John Estrada at Eugene Domingo na hindi nag-second thought na umapir sa pelikula dahil sa kagustuhan nila na makatrabaho sina Michael V. at Dawn.
Ang cameo role ni Eugene sa Family History ang dahilan kaya hindi rin nagdalawang-isip si Michael V. na mag-guest sa isang episode ng Dear Uge na napanood noong nakaraang buwan. Mataas ang respeto ni Eugene kay Michael V. na itinuturing din na henyo pagdating sa comedy.