^

PSN Showbiz

Gen Z hindi na kilala sina Vilma at Nora!

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon

Anong klaseng mga artista?

Nakakaaliw ang kuwentong nakarating sa amin tungkol sa grupo ng mga kabataang artista na bago pa lang sa showbiz.

Sa isang workshop nila, ipinakita ang film clips ng ilang classic films ng mga sikat na artistang active pa rin hanggang ngayon.

Hindi na talaga nila kilala ang ibang beteranong artista, pero ini-expect ng mga nangasiwa sa workshop na kilala naman siguro nila sina Nora Aunor at Vilma Santos.

Sabi ng ibang bagets, kilalang-kilala raw nila si Cong. Vilma Santos pero nang binanggit sa ilang grupo ng mga gen Z si Ate Vi, napatingala raw sila at nag-isip.

Nang tinanong naman ang ilang kabataan kung kilala nila si Ate Guy, ang bilis ng sagot nilang ‘oo’.

Nasalubong daw nila kanina lang, na ang tinutukoy pala nila ay ang make-up artist na nakatuwaang tawaging si Ate Guy.

Ang iba naman ay alam daw nilang si Nora Aunor ang tinutukoy na superstar, pero hindi nila alam na siya rin pala si Ate Guy.

Naalala ko pa noong hindi rin kilala ni Loisa Andalio si Alma Moreno na iyun sana ang peg na gustong gawin sa kanyang image.

Nakakalungkot lang daw na karamihan sa mga millennial artist ngayon ay hindi na nila kilala ang mga magagaling na artistang nag-ambag ng malaki sa ating movie industry.

Kaya nga sinasabi ng ilan na bilang bahagi ng pagdiriwang ng Centennial of Philippine Movies, sana mabigyan ng pagkakataong maipalabas ang mga pelikulang nagtatampok ng mga kilala at iginagalang nating artista na sumusuporta na lang ngayon sa mga sikat na young stars.

Gary, Ogie, Dingdong at Randy  hindi malimutan ang nagawa ng alma mater sa kanilang career

Talagang ipinagmamalaki nina Gary Valenciano, Ogie Alcasid, Dingdong Avanzado at Randy Santiago ang pagiging La Sallian nila, lalo na’t produkto sila ng sikat na grupong Kundirana.            

Kapag may mga benefit show ang mga taga-La Salle na involved ang mga singer na galing sa Kundirana, hindi nawawala ang mga nabanggit dahil hanggang ngayon ay solid pa rin ang kanilang grupo.

Kagaya nitong nalalapit na fundraising concert na pinamagatang Green and Go na gaganapin sa Filoil Flying V Centre sa San Juan sa darating na Sabado, July 6.

Tampok silang apat dito na ang malilikom sa concert na ito ay mapupunta sa medical needs ng LSGH alumni.

Binuo ito ng batch 1984 ng La Salle Greenhills na magkakaroon ng kanilang 35th homecoming year.

Kailangan daw kasing matustusan ang mga pangangailangan ng De La Salle University Medical Center na bahagi sa kanilang One Billion Endowment Fund Program.

Sa presscon nitong Green and Go Fundraising concert na ginanap sa My Brother’s Mustache sa Hive Hotel kamakalawa ay ipinagmamalaki nilang malaki ang nagawa ng La Salle at training sa Kundirana sa kanilang singing career.

Sabi ni Gary V; “Eversince we were young, immature, merong isang tao si Bro, Gus Boquier who cared enough to mold, to hone yung talents. Iba eh.

“Pag nabigyan ka ng pagkakataong mag-shine for the school, but shine for music.

“Obviously, pag nag-audition ka, ibig sabihin mahal mo talaga ang music. It’s really a part of who you are. Kaso, may pagkakataon na gamitin talaga nang husto.

“Kasi, yung mga practice namin kapag medyo bumagsak ka pa nang konti, tanggal. You’re out of the group, walang excuse yan kahit  magaling ka pa or whatever.”

Singit naman ni Dingdong; “Yung natutunan namin dun sa La Salle, sa Kundirana, ina-apply namin ngayon.

“In fact, yung sinabi nga ni Gary kanina. Maganda eh, you’re bringing joy to others.

“Yung pagiging entertainer namin, hindi kami namimili kung matanda o bata…basta kami ang objective namin magbigay saya. Tapos yung reward namin, is maipakita na sabihin nila sa yo na nag-enjoy sila. Masaya sila na hindi nila makalimutan yung performance. I think it speaks for all of us, that’s why we’re still around.

“This is not really work for all of us. It’s a passion. It’s a love for it that we carry through all these years.”

Iba raw talaga ang upbringing sa kanila kapag na-train ka sa Kundirana sabi naman nina Randy at Ogie.

Akala ng iba ay involved si Sen. Bong Go sa fundraising concert nilang Green and Go. Pero sana sumuporta rin daw dahil pareho rin daw nilang La Sallian.

NORA AUNOR

VILMA SANTOS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with